Kabanata 15

889 39 3
                                    

Entablado

"Wooh!"

"Yeah!"

"Simulan na 'yan!!!!"

Ang lakas nang sigaw ng mga tao mula rito sa itaas ng stage. Opps, teka lang ha. Hindi pa naman nasisimulan ang show na sinalihan namin. Nasa likod pa lang ako ng tilon at tinutulungan kong makapag-prepare sina Kuya Jasper. Wow, ang daming tao!

"Kuya Bait, ba't ang daming taong nanonood?" tanong ko rito halos pabulong.

"Eto kasi 'yong show na pinagmulan ng Zeus dati. Dito sila unang tinangkilik at minahal ng mga tao. So following the same tradition, ini-expect ng karamihan ng mga banda na matahak ang same path na tinahak ng iniidolo nila," explain nito sa akin habang inaayos ang kable ng mga gitara.

Sina-sound check na rin nina Kuya Calvin at Ivan mga guitars nila samantalang si Hunster naman, ayun, nakita kong umiinom ng konting tubig sa may tabi. Parang napaka-cool lang niya tingnan. Sanay na sanay na kasi sa ganito kadaming tao. Ilang minuto na lang at magsisimula na rin ang show.

"Yow! Good evening ladies and gentlemen!!! How are you doing????" Ayun at nagsalita na rin ang emcee. Hindi naman magkandamayaw ang crowd sa excitement.

"Excited na ba kayo sa mga magpeperform dito?" sigawan naman ng 'oo' sa buong paligid, "Nandidito na ba kaya ang susunod sa mga yapak ng Zeus????" hati naman ang sagot ng mga tao, may ibang umoo, may iba rin namang wala ang isinigaw.

Wow...sikat na sikat na talaga ang Skye ko!

"Hoy, war freak, get out of here already at baka malasin pa kami," narinig kong sabi ni Hunster sa akin. Ba't ba ang init-init ng ulo nito ngayon? May PMS na naman ba?

"Ba't ba kasi una pa kaming magpe-perform?" narinig kong bulong ni Hunster sa sarili and then suddenly an idea struck me.

"Kinakabahan ba ang Master Hunter namin?" sabi ko sa kanya with a smirk on my face.

"W-what?! Hindi 'no! I've performed in front of a larger crowd before," mabilis na sagot nito, "This is nothing," sabi pa nito habang pinupunasan ang namumuong pawis sa kanyang noo. Hohoho...defensive si inlabsasarili! Kinakabahan nga siya!

"Hohoho..." pang aasar ko rito nang biglang inabutan kami ni kuya bait ng mga maskara.

"Isuot niyo 'yan," sabi nito sa amin.

Pawang tinignan lang namin ang daladalang maskara. Kung tama ang memory ko, kabuki masks ang tawag sa mga ito. Para saan naman 'to? Ba't kailangan naming isuot 'to?

Tiningnan ko sina Kuya Calvin at wala silang imik na isinuot ang maskara. Wow... napaka-cooperative naman nila. Maging si Ivan man ay sumusunod na rin. Himala...

"Para saan 'to?" Ay, parang nabasa ni Hunster ang iniisip ko ah!

"Huwag nang magtanong, Hunt. Isuot mo na," narinig naming sabi ni kuya bait bago ito bumaba sa may backstage.

Umaangal pa si Hunster habang isinusuot niya ang kanyang mask. Tiningnan ko muna ang design ng mask ko. Unlike sa mga masks nila Hunster, 'yung mask ko parang half mask lang na walang paint. Isinuot ko naman siya. Perfect fit siya sa mukha ko ha, in fairness! Maganda rin siya sa pakiramdam...parang si Cinderella lang ang peg! Feel na feel ko ang pagiging mystifying lady ko nang biglang nakarinig ako ng malakas na tilian sa likod ng tilon.

Anong meron? Sumilip ako nang sandali at parang naubusan ng hangin ang buong katawan ko't hindi ako makahinga. Nakita ko kasi sa may judges' table, sa may gitna... si Skye! Napaatras ako nang konti at nang makahinga na ako nang maluwag bigla kong hinablot si Hunster na at that time ay inaayos ang mikropono. At dahil sa biglang paghablot ko, nabitawan niya tuloy ang microphone...

Reaching SkyWhere stories live. Discover now