Kabanata 81

316 8 1
                                    

Tulog

** Ami's POV **

One sheep. Two sheeps. Three sheeps. Ugh... Nakakailang ulit na ba ako sa pagbibilang ng mga tupa dito sa higaan ko't hindi pa rin ako makatulog. Shemay lang naman kasi ang bigat-bigat pa rin nang nararamdaman ko sa mga nalaman ko kay Skye. Sumisikip pa rin ang lalamunan ko sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya. Bakit hindi man lang niya naisip na kausapin ako bago siya nagdesisyon na hiwalay na kami? Mahirap ba talagang gawin? Wala siyang panahon or did he think I don't deserve the effort?

Akin ka lang.Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa naalala. Kung nasabi niya 'yon knowing ako si Ami, baka mangisay pa ako sa kilig pero hindi e. Masakit pa rin dito sa dibdib na he's saying that knowing na para sa kanya'y hiwalay na kami't si Sora ang yakap-yakap niya. Ibang babae. Hindi si Ami.

Susundin ko na lang ba ang payo ni Aya't maging masaya ako na nagkakagusto siyang muli sa pagkatao ko without even knowing that he's falling for the same girl? Parang ang sarap pakinggan, romantic even. Pero masyadong napakahaba na noong mga panahong isinusubsob ko ang aking basang mukha sa sarili kong unan just to get through another night na hindi na naman siya mahagilap. Hindi ko maiwasang isiping binalewala lang niya ang lahat ng mga pinagsamahan namin, na para bang wala itong halaga't kayang-kaya niya lang na itapon nang walang pagdadalawang isip. Ilang babae na ba ang dumaan sa kanya these two years? Ilang babae ba ang nagpatawa sa kanya sa mga panahong gabi-gabi ako umiiyak kahihintay ng tawag niya?

No, I can't just forget about them, act like nothing happened and be happy na kayakap at kahalikan na niya ako. Hindi makontento ang puso ko na ganito lang kasimple ang lahat. Ni minsan ba talaga hindi niya ako naisip? Ni minsan, hindi niya binalak na tawagan at kamustahin man ako?

Napaupo ako sa aking kama't napabuntong hininga. Ngayong alam ko na wala na akong halaga sa kanya bilang si Ami, wala ring kwenta kahit aminin ko pa sa kanya kung sino talaga ako. Ami doesn't exist in his world anymore. Napabuntong hininga ako muli't bago ko napagdesisyonang bumangon at pumunta ng kusina para makainom ng tubig.

Nang papalapit na ako doon, nakarinig ako ng isang kumakantang tinig.

Gasp! Boses ni Hunter 'yon! Nasa dining siya?! My gulay! Retreat! Retreat! Pagkatapos narinig ang tunog nang ipinaglapat na mga glasses. Umiinom na naman ba siya?

Biglang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi niya kanina sa kanyang sasakyan.

Gusto mo rin ba ako? Kaya ka ba naguguluhan kasi may nararamdaman ka rin para sa akin?

Pinamulahan ako sa naalala at dumadagundong na naman sa kaba ang aking dibdib. Wala sa isipan kong napahawak dito. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit naaapektuhan ako sa presensiya niya? Bakit parang nag-iingat akong di siya magalit sa akin? Bakit ayaw kong mangyari muli 'yong di niya pagpansin sa akin? Alam kong mahalaga siya sa akin. Pero kung gaano kahalaga ay hindi ko matantiya't hindi ko maintindihan.

May gusto rin ba ako sa kanya?

Narinig ko na naman ang boses niya. Bumilis na naman ang pintig ng puso ko. Masyado na ba akong assuming kung iisipin kong ginawa niya 'tong kanta na 'to para sa akin?

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling

Bakit bigla ko na lang naisip 'yong kantang 'yon?

Kaya pasensiya na kung may pagtingin ako sa 'yo

Ano ba 'tong nangyayari sa utak ko't nagkakaroon yata ng playlist ng mga kanta ni Hunster?!

Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko

Natigilan ako sa naalalang lyrics at may kung anong tumusok sa dibdib ko. Napasilip ako sa kinaroroonan ni Hunster at nakitang nakahilata na siya sa lamesa't hawak pa rin ang isang half-full na baso ng brandy. Nakatulog ata siya. Hindi ko alam kung saan nangagaling ang tapang ko't I find myself lumalapit sa kanya. Lapit pa nang konti. Konti pa.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now