Kabanata 131

535 5 0
                                    

A/N: Ito na po ang huling kabanata.

Paalam

Nagising akong kumikirot ang buo kong katawan.

"Ami?"

Nang sinubukan kong imulat ang aking mata'y nanibago ang mga ito sa liwanag ng silid.

"Ami? My God, you're finally awake!" Sabi ng tinig ni Rin, "Call the doctors now!" Utos nito sa kung sinumang kasama niya.

"Rin?" I tried saying pero hangin lang ang lumalabas sa bunganga ko.

Sinubukan kong magsalita uli, pero ganun pa rin ang kinalabasan.

No. Hindi ito pwedeng mangyari!

Buong pag-aalala kong liningon si Rin na punung-puno ng pag-aalala ang mukha. Maitim ang ilalim ng kanyang mga mata at tila nangangayayat ito.

"Nagkaroon ka ng head trauma causing you inability to talk." Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi at agad kong kinapa ang likod ng aking nakabendaheng ulo.

"No, don't. Hindi pa masyadong magaling ang sugat mo sa ulo. Sabi ng mga doktor ay may katagalan talaga ang paghilom ng mga head injuries." Pagpapaliwanag nito. "Gusto mong kumain ng mansanas?" Tanong nito sabay abot ng isang mansanas at ng kutsilyo malapit dito.

Pansin ko ang panginginig ng mga kamay ng kaibigan at namamasa ang kanyang mga mata. Dahan-dahan akong bumangon para iupo ang sarili.

"Ami! Huwag ka munang gumalaw! Hintayin muna natin kung anong sasabihin ng mga doktor." Pag-aalala nitong sabi matapos halos tumalon sa kanyang pwesto papunta sa akin.

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon at bumalik na siya sa kanyang ginagawa.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga doktor na tumitingin sa akin. Kinuha ng isang nurse ang aking vital signs at pagkatapos ay ipinakita ito sa isang doktor na tumango-tango lang. Matapos nila akong masuri ay agad na hinarap ng head doctor si Rin.

"It's a great improvement that she's woken up from the coma. But we still need her here to further observe her condition. In a week's time, and her health improves, pu-puwede na siyang lumabas." Narinig kong sabi nito.

"How about her voice, Doc? Will it come back?" Nakahalukipkip nitong tanong.

"With proper rest, she'll have her voice back in time." Sagot lang nito bago sila nagpaalam at lumabas ng silid.

May nakita akong lapis at notebook sa katabing mesa ng aking kama at agad ko iyong inabot. Dahan-dahan akong nagsulat, halos hindi ko na makilala ang sulat-kamay ko habang ginagawa ito. Pagkatapos ay ibinigay ko 'yon kay Rin.

"What's this?" Pagtataka nito matapos ilapag muli sa mesa ang kanina pa palang hawak na prutas at binasa ang nakasulat sa notebook.

Nasaan sila? Ang tanging nakasulat doon.

Rin gave me a weak smile afterwards bago siya lumapit at pagod na umupo sa aking kama.

"Makinig ka, Ami. Lahat ng sasabihin ko ay ang mga pangyayaring naganap matapos ang insidente sa Metrodome." Tumango ako sa sinabi niya. "Makinig ka at makinig kang mabuti." Mariin nitong sabi na akin namang agad na tinanguhan.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago niya inisa-isa ang mga naganap noong gabing iyon. Sa bawat pagpatak ng oras at bawat paglalahad ng katotohanan ni Rin ay unti-unting nabasag ang puso ko. Iling lang ako ng iling habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko dahil hindi ako makapaniwalang totoo ang lahat ng mga sinasabi niya.

Hindi ito totoo. Hindi maaaring maging totoo ito! Kababalik lang niya, hindi ba? Hindi. Hindi. God, kababalik lang niya! Bakit naging ganito? Paanong naging ganito? Hindi puwede. Ibalik niyo siya!

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon