Kabanata 12

970 43 9
                                    

Boyfriend

"Ami, nakita mo ba ang deodo- "

"Aaah!" Sigaw ko habang inihahagis ang kung anong mapulot ko mula rito sa kwarto ko kay gwa-ex-sungit.

Pumasok ba naman siya bigla ng naka-undies pa ako! Not that hindi ako confident sa katawan ko, well-toned naman ang tummy ko kasi lage akong nagsi-sit-ups, malaman both front at back ko...Teka, teka, hindi 'yon ang issue dito ah! The point is, hindi pa nga ako nakikita ni Skye ng nakaganito, uunahan na ng hinayupak na 'yon!? Ano siya sineswerte?!

"Bastos ka! Hindi ka man lang kumatok muna! Perv!" patuloy ko pa ring pagsisisigaw habang inihahagis ang mga kagamitan doon sa kanya na panay ang ilag sa likod ng pintuan.

"Hoy, ano ba?!" narinig kong alma nito, "Deodorant ko lang ang hinahanap ko at hindi ako interasado makita ang katawan mong parang lalaki! Pihadong mas maganda naman ang katawan ko sa 'yo noh!" sabi pa nito habang patuloy pa rin nitong ilag sa mga inihahagis ko.

"Bastos ka talaga!" sabi ko pa rin sa kanya, "Halika nga't tuturuan ka ng liksyon nitong katawang lalaki na sinasabi mo," dagdag ko pa habang nilalapitan ko ang pintuan at pilit na binubuksan para gulpihin 'tong bastos na 'to habang siya nama'y pilit na isinasara ang pintuan.

"Hoy, mahiya ka naman! Binabandera mo pa 'yang mga extra fats mo! Yucks!" pang-aasar pa nito.

"Aba'y... extra fats pala ha?!" sabi ko sa kanya at nagpatuloy kami sa aming paghihila sa pintuan.

"Sisirain niyo ba lahat ng pintuan dito?" narinig naming biglang sabi ni kuya bait na nasa likuran na ngayon ni gwa-ex-sungit-superkainis-inlabsasarili. Oo. 'Yun na ang itatawag ko sa kanya ngayon!

"Kyaaaaah!" sigaw ko sabay bitaw ko sa pintuan at dahil sa hinihila ito ni gwa-ex-sungit-superkainis-inlabsasarili, sumira ito nang malakas at syempre, humalik ang pwet niya sa sahig nang malakas din.

Blag!

"F*ck!" narinig kong boses ni gwa-ex-sungit-superkainis-inlabsasarili sa kabilang side ng nasarang pintuan. Bleh, buti nga sa kanya!

Mabilis akong nagbihis ng jogging pants at sleeveless blouse bago ko muli binuksan ang pinto para harapin sina kuya bait.

"Kuya bait, may balita na ba?" nakangisi ko ng tanong habang hindi ko pinapansin ang nakasimangot na mukha ni gwa-ex-sungit-superkainis-inlabsasarili habang hinihimas nito ang nabagsak na pwet. Bigla namang natumba papasok ng kwarto ko ang pintuang kasasara ko pa lamang.

Bumuntong hininga si Kuya Bait.

"Ever since lumipat tayo rito, wala na kayong tigil sa pagsira ng mga gamit dito. Kailan ba kayo titigil na dalawa ha?" sabi nito sa amin habang hinihilot ang sintido.

Napadungo na lamang kami ni gwa-ex-sungit-superkainis-inlabsasarili habang palihim na tinatapakan ang paa ng bawat isa.

"Hindi ba talaga kayo titigil?!"

Napatigil kami kaagad nang marinig 'yon. Pero hindi ako natinag at tinapakan ko for the last time ang paa ni gwa-ex-sungit-superkainis-inlabsasarili.

"F*ck!"

"Sora!" Sigaw sa akin ni Kuya Bait and at once ay napatindig ako nang maayos at nakatingin nang diretso sa kanya.

Nagbuntong hininga na naman si Kuya at nawala na ang pagka-asar sa mukha niya.

"Hindi ba pwedeng magbati na kayong dalawa?" narinig naming sabi nito, "Tayu-tayo na nga lang ang natitira sa grupo, ganito pa ang iaasta natin sa isa't isa?" sabi pa nito habang nakatingin lang sa amin.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now