Kabanata 82

298 6 1
                                    

Akala

** Ami's POV **

Nakadungaw ako ngayon sa bintana ng sasakyang minamaneho ni Hunster papunta sa District 23. Ipinapakuha kasi ni Kuya ang mga documents ko. For formalities' sake daw. Hindi ko naman masyadong maintindihan pero pumayag na rin ako dahil gusto ko ring bisitahin ang lugar namin. Kumusta na kaya 'yong dojo ni Tito? Nandodoon pa rin kaya 'yong mga pinsan kong walang ibang magawa kundi ang mang-asar?

"Hello? May tao ba rito? Ang tahi-tahimik... Nakakabingi!" Biglang dungaw sa aming gitna ni Kuya Calvin.

Sasama rin sana sina Ivan at Barbie Doll pero pinigilan sila ni Kuya Bait dahil mahahalata ng mga taong si Hunter ang kasama namin at baka magkagulo. Nagpaiwan naman si Kuya Jasper dahil darating daw ang asawa niya sa bansa at kailangan niya itong sunduin. Kaya heto kami ngayong tatlo, tahimik na nilalagbay ang daang papunta sa aming distrito. Sino ba namang gustong magsalita after that awkward morning?

Flashback...

Nagising akong damang dama ang rhythm ng paghinga ng aking katabi. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo't nakita ko ang maamong mukha ng tulog na Hunster. Napabuntong ako nang hininga sa aking nakita. Ang gwapo niya talaga. Parang ang swerte ko naman at sa dinami daming pwedeng pagbuntunan ng atensyon nitong nilalang na 'to ay ako pa ang napili niya. Ako na durug-durog na pa ang puso dahil kay Skye. Dahil dito, nasasaktan ko rin siya nang 'di sinasadya.

I don't deserve this man, alam ko 'yon. Masyado pa akong wasak ngayon para sa kanya. Kaya lang, hindi ko siya kayang tanggihan. Hindi ko maintindihan kung bakit pero sa tuwing may sinasabi siya sa akin ay tila nawawalan ako ng ibang choices besides sa sundin siya. He has that effect on me na kahit kay Skye ay hindi ko naramdaman. Nasa kalagitnaan pa ako ng aking pagmumuni habang ina-admire ang kanyang magandang mukha nang maramdaman ko ang kanyang marahang pagkilos.

"Matagal ko ng alam na I'm irresistably handsome." Biglang bulong nito.

Shemay, gising na siya! Sa gulat ko, napaatras ako't nakalimutan kong nasa may edge na pala ako ng kanyang kama at malamang ay sa sahig niya ako babagsak. Mabilis masyado ang pangyayari. The next thing I know, nakahiga na ako sa carpet niya't masakit ang likod ko sa impact habang siya nama'y nakadagan sa ibabaw ko.

"Sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka." Narinig kong sabi niya habang sinusubukan niyang makatayo ngunit nagkandabuhol-buhol ang kumot sa aming katawan dahilan upang mas nahirapan siya sa pagtayo at mas naiipit pa akong lalo sa pwesto ko.

"Aray..." Daing ko sana pero natigilan ako when I saw his pair of green eyes looking at mine.

I saw him take glances from my eyes to my lips and back again. Naramdaman ko na naman ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko lang masiguro kung sa akin ba 'yon o sa kanya dahil sa lapit namin sa isa't isa.

Pansin ko ang dahan-dahang paglapit ng mukha niya't as if on cue, ipinikit ko na ang aking mga mata't hinintay ang kanyang halik nang biglang bumukas ang pinto.

"Hunt, tawag ka ni Ra- ven.." Sabi nang nagulantang na Calvin sa posisyon naming dalawa.

Nakatunganga lang kaming dalawa habang nakatingin sa namumutlang mukha ng aking kababata.

"Opps... Sorry... Wrong timing... " sabi na lang nito habang wala sa sariling umatras at isinara ang pinto.

Matagal ding nakaganun kami habang nakatingin sa nakasarang pinto bago nagsalita ang lalaking nasa ibabaw ko.

"Um... That was awkward." Sabi nito na nagpagising sa aking ulirat.

Shets!

Mabilis kong kinalas ang nagkabuhol-buhol na kumot, not listening to Hunster's grumbling. At nang sa wakas ay nakawala na kami ay agad akong bumangon at tinakbo ang pinto.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now