Kabanata 85

290 6 0
                                    

Ligaya

"Hoy! Nandiyan lang pala kayo! Anong ginagawa niyo dito sa labas?" Nakangiting tanong nito nang makalapit sa amin. Parang tumalon sa balkone ang puso ko nang makita at marinig siya.

"Wala naman. Nagpapahangin lang." Nakangising sabi ni Calvin sabay inom niya sa kanyang beer. Tila hindi naman kombinsido si Ami sa narinig at naghahanap pa ng ibang dahilan dahil nakatitig na naman siya sa akin.

"A, ano... Kuan... Nagpapaturo ako ng simpleng visayan words kay Calvin. Hindi ko kasi maintindihan si Tita. Ang kulit pa naman noon sa akin." Nakangising sabi ko na lang. Para naman akong timang pakinggan.

"Oo nga. Tinuturuan ko siyang magbisaya. Ulitin mo nga, Hunt. Gamay ko'g ot*n!" Panunudyo sa akin ng katabi, his playful eyes are back.

Sh*t! Inuuto na naman ako nito!

"Gamay ko'g ot*n!" Pag-uulit ko na ikinatuwa ni Calvin at ikinapula ng pisngi ni Ami.

Bakit? Ano bang sinabi ko?

"Ayaw gud panudlo diha'g law-ay nga panultihon, Kuya Calv! Isumbong tika kang Ms. JJ ron! Halika na nga Hunster, wag kang papauto diyan at baka mabulok pa 'yang bibig mo." (Huwag ka ngang magturo ng mga bastos na salita, Kuya Calv! Isusumbong kita kay Ms. JJ ngayon!) Inis na sabi nito sabay hila niya sa kamay ko habang si Calvin nama'y parang mamamatay na sa katatawa.

"Bakit ba, Ami? Ano bang ibig sabihin noong sinabi ko?" Bulong ko sa kanya na biglang natigil sa paglalakad at pinamulahanan ang tainga.

"Ami? Ano nga? Nakakailang na kasing ako lang ang hindi makaintindi ng mga pinagsasabi niyo. Ano ba kasing ibig sabihin noong 'gamay ko'g o--" hindi ko natapos ang sasabihin dahil tinakpan agad ni Ami ang bibig ko.

Wow, ang bango naman ng kamay niya! Ang lambot pa!

"Huwag mo na lang kasing alamin!" Sumbat nito bago umalis at iniwan akong mag-isa.

Napakamot na lang ako ng aking batok sa kanyang sinabi. Masama ba ang ibig sabihin noon? Ano ba kasi ang ibig sabihin noon?

"O, Hansel, nag-unsa man ka diha? Ok ra ka?" (O, Hansel, anong ginagawa mo riyan? Ok ka lang?) Biglang napadaan si Tita. Itatanong ko na lang sa kanya.

"Tita, ano po 'yong 'gamay ko'g ot*n'?" Nakangiti kong tanong dito.

Biglang nawala ang ngiti sa mukha nito at pagkatapos ay tinignan niya ako nang maigi bago tinignan ako sa ibaba. Nanlamig akong bigla sa kanyang ginawang reaksyon.

"Sus Ginoo! Kasayang aning bataa. Kagwapo man unta pero gamay diay'g kuan. Aysus, kalooy jud!" (Juice colored! Sayang na bata. Gwapo pa man sana pero maliit pala ang ano niya. Sus, kawawa talaga!) Tanging sabi nito habang umaalis.

Ni hindi man lang inexplain sa akin kung anong ibig sabihin noon. Ah... Oo nga pala. Hindi nga pala marunong magtagalog 'yon. Ang tanga ko rin talaga.

** Ami's POV **

Nakatingin ako ngayon sa kisame ng aking silid. Wala pa ring pinagbago. Puno pa rin ito ng mga glow in the dark stars. Kaming dalawa ni Skye ang naglagay nito. Muntik na nga siyang mahulog sa kakulitan namin. Napangiti ako sa naalala.

Napalinga ako sa aking kama. Ilang beses na ba akong umiyak dito for the last 5 years? Hindi ko na ata mabilang. Bawat sulok ng aking silid, si Skye palagi ang nakikita ko. Ang hirap di ng mga taon na 'yon. Parang hindi ako makawala sa mga alaala namin ni Skye. Pero lahat ng 'yon nagbago nang matagpuan ako ng Reload band. Natutunan ko muling tumawa at umawit. Natutunan ko muling maging masaya. Dahil sa kanila, nandidito na ako ngayon. Akala ko kay Skye lang ako sasaya. Hindi pala. May isasaya pa pala ako.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now