Kabanata 68

316 6 0
                                    

Ayoko


"Anong gagawin mo, Ami?" Pagtatanong niya uli nang hindi ako agad nakasagot.

"U-uh... I-itutulak ko siya't s-sasampalin?" Pautal-utal kong sagot at hindi ko maintindihan pero sumisikip ang dibdib ko't nagbabadya na namang magsihulog ang aking mga luha.

"Ginawa mo rin ba 'yon kay Hunter?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at walang pasabing tumulo ang aking luha. Dahan-dahan kong iniling ang aking ulo.

"Bakit? Bakit hindi mo siya nagawang itulak at sampalin, Ami?" Tanong pa nito.

Bumibilis ang tibok ng aking puso habang hinahanap ko sa aking isipan ang kasagutan.

"K-kasi... K-kasi..." Hindi ko mawari kung bakit.

Hindi ko alam ang isasagot. Naguguluhan ako. Hindi ko alam.

Bigla ko na lang naramdaman ang paglapit ni Rin at pagyakap niya sa akin.

"Shh... Shh... Don't cry, Ami. Don't force yourself to understand these things at once. Give yourself some time para makaintindi. Unti-untiin mo. Dahan-dahan. Hanggang sa dumating sa 'yo nang kusa ang mga kasagutang hinahanap mo. Tahan na." Malambing ang boses nitong nagpapatahan sa akin.

Pero umiyak pa rin ako. Umiyak pa rin ako para sa puso kong litung-lito na.

Hindi na muna namin ipinagpatuloy ang pagrerecord dahil sa namamaga pang kamay ni Hunster at napagdesisyonan nila na i-schedule na lang sa ibang araw. Hindi natuwa si Hunster sa desisyon pero pumayag na rin siya sa huli. Pinayuhan nila itong ipagamot sa doktor ang kanyanb kamay pero walang imik na tumango lang siya sa kanila. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita si Hunster na ganito. Wala na ang dating sigla at alab niya sa tuwing gagawa kami ng panibagong tugtug.

Pagkalabas namin sa building, agad na naman kaming inatake ng media. Iniwasan lang namin 'yon at mabilis na naglakad papunta sa van. Konti na lang at makakapasok na kami sa loob nang biglang may sumigaw ng pangalan ko.

"Sora!" Paglingon ko, may tumama agad sa aking mukha.

Nanginginig pa ang kamay ko sa takot habang inaabot kung anumang bagay ang tumama sa akin. Itlog?

"'Yan ang nababagay sa katulad mo, pangit!" Mga fans ni Skye.

Hindi pa sila nakontento't pinagbabato pa nila kami ng marami pang itlog. Mabilis akong hinigit ni Ivan papasok sa loob ng van at isinara ang pinto.

"Alis na tayo, Neil." Sabi pa ni Kuya Calvin at walang pag-aatubiling pinatakbo ng aming driver ang van papalayo sa mga fans ni Skye na panay pa rin ang babato ng mga itlog.

"Okay ka lang, Sora?" May pag-aalalang sambit ni Ivan habang pinupunasan niya ng tissue ang nabasa kong mukha.

Wala sa isip kong napalingon ako kay Hunster na ngayo'y nakasuot ng kanyang headset at tila walang pakialam sa nangyari. Di man sinasadya pero naninikip ang dibdib ko sa pinapakita niyang kalamigan.

"Sora?" Muling tawag sa akin ni Ivan nang hindi ako nakasagot.

"H-ha? A-ah...wala 'to. Okay lang ako. Di naman nakamamatay ang itlog, di ba?" Nakangiti kong sagot sa kanya na hindi pa rin nawawala ang pagkabahala sa kanyang mukha.

"Sabihin mo kay Skye na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin tinitigilan ng mga fans niya nang may gawin naman siya tungkol dito. Hindi ka nga lumalapit sa kanya ngayon pero parang mas masahol pa sa corrupt na politiko ang trato nila sa iyo." May galit na sabi ni Kuya Calvin sa akin.

"Hindi naman niya kontrol ang magiging reaksyon ng bawat fans niya, Kuya Calv." Pagtatanggol ko kay Skye.

"Kahit na! Hindi niya dapat hinahayaang ganunin ka ng mga fans niya! Kung pinapahalagahan ka nga niya, gagawin niya ang lahat para maprotektahan ka. Hindi itong pinababayaan ka lang niyang mag-isa." Sabi pa nito at hindi na ako nakasagot.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon