Kabanata 129

331 5 0
                                    

Takot



Nasa loob kami ng dressing room ko habang hinihintay ang hudyat na pumunta na ako sa designated area ko bago ako magpakita sa mga tao.

"Uwaah! Umaapaw ang dome sa mga taong gustong manood!" Napalingon ako sa boses ni Therese na kapapasok lamang sa silid.

"Tinatakot mo naman ako, Angel. Marami ba talagang tao sa labas?" Tanong ni Ivan sa kasintahan.

"Don't tell you're getting the nerves? Hindi ka pwedeng sumablay dito ah!" Mabilis namang sagot ni Therese.

"Of course not, Angel. I will make you proud tonight." Hirit pa nito bago binigyan ito nang isang mabilisang halik sa labi na kaagad namang pinigilan ng kasintahan. "What?" Angal ni Ivan.

"After you've exemplary done your part, I'll give you that kiss." Sabi ni Therese.

Nagtawanan ang iba pa naming mga kababata sa malungkot na mukha ni Ivan nang bigla itong hinila pababa ni Therese at mabilis na dinampihan ng halik ang kanyang pisngi.

"But I can give you a good luck kiss instead." Sabi nito sabay kindat sa nobyo bago tumungo sa gitna ng silid.

Halos namang hindi magkandamayaw sa saya ang aking kababata sa nangyari. Sinapak tuloy siya ni Kuya Calvin para matigil lang sa kanyang katatalon.

"Okay guys, this is it!" Panimulang sabi ni Therese na tinabihan ni Rin. "We've endured a lot of sleepness nights just so we could make this night perfect. We've survived all the troubles we've met along the way. And now we're here. The moment that we've dedicated almost all our time is finally here." Sabi nito, rousing cheers from everyone.

Pagkatapos ay si Rin naman ang nagsalita.

"When I first heard Sora's soulful voice, I knew one day she'd bring us all here on this dome. With this crowd." Sabi nito habang itinuturo sa isang screen ang tila live capture ngmga excited na mga manonood.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Hindi ko akalaing ganito karami ang dadalo sa konsyerto ko. Biglang may umakbay sa akin at agad naman akong napatingala to see Skye smiling as he looked on the screen.

"They're all here to listen to you, Ami." Bulong nito sa akin. "And I couldn't be any happier sharing that same crowd with you." Sabi pa nito bago ako bigyan ng mabilisang halik sa pisngi at pagkatapos ay muling bumalik sa pwesto kung saan nakatayo ang manghang-manghang kababata namin.

"Tonight!" Muli akong napalingon sa direksyon ni Rin. "Just for this night, let's show them the fruits of our weeks-worth of hardwork!" Sabi nito and the crew 'yeah'ed along. "Let's give them a great night!" Muli na namang nagsigawan ang crew. "Let's show them a night they'll never forget." Pati ako'y nakikisigaw na rin. "One night. Let's give it our all and make it last in their memories forever!" She finally said as we cheered on.

"Okay! Let's go people! Let's start rocking this dome!" Sigaw ni Therese at mabilis na nagsikilos ang mga tao.

"First up! Nitro!" Sigaw noong isang crew na tila nabigla rin sa kanyang sinabi.

"Ha?!" Maging ako'y napasigaw din kasabay ng pagkabigla ng lahat ng mga tao sa loob.

"What are you waiting for, people? Go, go, go!" Muling sigaw ni Therese at mabilis na nagsikilos muli ang mga tao.

Nilapitan ko si Rin para sana i-clarify kung bakit nasa list ang Nitro pero naunahan ako ni Skye.

"What's the meaning of this?" Galit nitong sabi. "Iniinsulto niyo ba ang kakayahan ko?" Asik pa nito.

Kaagad ko naman siyang dinaluhan.

"Hindi namin iniinsulto ang kakayahan mo, Skye. The Nitro is here because they are supporting Sora's concert. Hindi sila narito para ipahiya ka katulad ng kinakatakutan mo." Matigas na sagot ni Rin na lalo lang na ikinagalit ni Skye.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now