Kabanata 2

836 18 2
                                    

Fan

Hawak-hawak ko sa likuran niya ang kamay ng magnanakaw nang biglang bumukas ang pinto sa likuran ko't lumabas ang isa pang lalaking may dala-dalang drum sticks.

"Hoy, anong ginagawa mo kay Hunter?!" pasigaw nitong sabi matapos niyang makita ang situation namin ng kawatan. Mabilis itong lumapit sa amin at hinila ako papalayo.

"Raven, buti't dumating ka kundi kung ano nang ginawa ng babaeng 'yan sa akin," narinig kong sabi ng binatang nagngangalang Hunter habang tinutulungan siyang makatayo ng kasama.

"What the hell were you thinking?!" galit na sabi nito sa akin nang makatayo na, "Paano kung nabali mo ang mga kamay ko? How are you going to compensate for that, huh?!" sabi pa nito habang dinuduro-duro pa ako. Ang bastos lang talaga ha?!

"Sorry akala ko kasi magnanakaw ka kaya ko 'yon nagawa," nasabi ko na lang dito. Eh, hindi ko naman talaga sinasadya. Bakit ba kasi nakatakip pa 'yong mukha niya habang tumatakbo? Sino namang nasa matino ang pag-iisip na mag-aakalang hindi siya snatcher 'di ba? Bigla namang natawa 'yong lalaking nagngangalang Raven sa sinabi ko.

"The hell! You're calling me a magnanakaw?!" narinig kong sabi ni Hunter sabay tanggal niya sa suot-suot na sunglasses at cap, "You're calling this face a thief?!" sabi nito habang itinuturo sa akin ang nakapa-gwapong mukha.

Okaaaaay... nagwa-gwapohan nga ako sa kanya, makinis ang balat, matangos ang ilong, kissable lips at green ba talaga kulay ng mga mata niya (?), pero mas gwapo pa rin Skye ko sa kanya, hmp!

"Will you stop laughing?!" saway niya sa kanina pang tawa ng tawang kasama, "And you!" sabay turo na naman niya sa akin, "Get the hell away from here! Don't ever show your face to me again!" sabi nito habang inihahagis sa may basurahan ang daladalang sunglasses at cap, "Pasalamat ka't hindi kita pinahuli sa pulis for attacking me," narinig ko pang sabi nito habang hinihimas-himas ang kanang balikat nito at pagkatapos ay sinundan ang kasamang papasok na sa loob.

Hindi ko na masyadong narinig kung ano pang pinagsasabi nila dahil biglang nagdilim ang paningin ko't naramdaman ko na lang ang matigas na semento at kasabay nito ay parang may sumigaw sa direksyon nung dalawang nakayong lalaki. Ano bang nangyayari sa akin?!

"Ba't mo pa kasi dinala 'yan dito?!" Parang may naririnig akong bulungan ng mga tao sa madilim kong paligid. Teka nga, ba't ba ang dilim-dilim? Ah, oo nga pala... sa sobrang gutom ko, isama niyo na rin ang sobrang lungkot at pagod ko, nahimatay ako kanina. Ang sarap-sarap ng aircon. Kanina pa kasi ako naiinitan sa paghihintay ko sa pagbukas ng gate ng dome. Hmm... ayoko munang magising. Konting tulog pa...

"Nakita mo namang nakahandusay yan doon sa kalsada kanina, ano bang gusto mong gawin ko? Iwan na lang natin siya doon?" Patuloy na bangayan ng nag-uusap malapit ata sa akin.

"Wala akong pakialam kung anong gawin mo, Raven, pero hindi mo na lang sana dinala pa 'yan dito sa loob! Baka stalker ko pa 'yan!" Pasigaw na sabi nito. Stalker ka d'yan!

"Galit ka pa ba sa ginawa niya sa'yo kanina?" Um, okay, so that explains everything. Si mister gwasungit - gwapong masungit - pala 'tong kausap ng lalaking tinatawag niyang Raven. "Nagsorry naman 'yong tao sa'yo. Hindi pa ba sapat 'yon?" Narinig ko pang pagdedepensa sa akin ni Raven. Aaaaay... friends na tayo Raven o kung sino ka man!

"Kahit na! Kamuntikan na niyang magasgas ang mukha ko! Ano na lang ang sasabihin ng mga fans pag nakita nilang damaged na ang maganda kong mukha? Mawawalan tayo ng fans pag nagkaganoon!" Ay, putik! Napaka naman nitong lalaki na 'to. Mas mahalaga pa ang mukha niya kaysa sa kapakanan ng isang gutom na tao? Speaking of gutom, may bigla lang akong naamoy na pagkasarap-sarap.

"Hayaan na lang muna natin siya rito..." sasabihin pa sana ni Raven nang bigla akong bumangon at hinanap ang kung anong nangangamoy na masarap na 'yon.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now