Kabanata 79

284 7 2
                                    

Payag


** Hunter's POV **

Papunta na kaming lahat sa parking area ng hotel. Mag-aala una na ng madaling araw at lahat ay antok na antok na. Patuloy pa rin sa pangungulit 'tong si Darla sa akin. Kanina pa ako naiinis sa paglambitin niya sa aking braso. Ayoko na ngang ginagawa niya 'yon lalo na't nakatingin si Ami at kung ano pang isipin noon.

Ayun si Ami, hawak pa rin ang kamay ni Skye. Ugh! Kanina pa silang ganyan! Sila na ba? Sila na? Ang huling sabi ni Ami ay hindi pa niya ito sinasagot. Don't tell me sinagot na niya ito kani-kanina lang. Psh. Imposible. Nagluluksa ang awitin niya kanina. Alam kong para kay Skye na naman 'yon. Lagi naman 'yon e. Kailan ba siya kumanta para sa akin? Kailan ba siya gumawa ng kanta na para lang sa akin? Ako lang naman 'tong tangang umaasa na makikita niya rin ako. Nakinig ba siya sa kinanta ko kanina? P*ta, ang sakit ng kamay ko noon pero pinilit ko pa rin para iparating sa ugok na Skye na 'yon na hindi ako natatakot sa kanya. Kung makasinghal siya sa akin, para bang pagmamay-ari na niya si Ami. G*go siya! Sinasaktan niya lang ang mahal ko!

Napatigil kaming lahat sa harap ng aming mga sasakyan at pansin kong may kinakausap ang g*gong Skye sa kanyang cell phone. Agad kong nilapitan si Ami pero hinarangan naman ako ng g*go.

"Back off, Hunt! Ako ang maghahatid kay Sora pauwi!" Singhal na naman niya sa akin.

Aba'y nakakarami na 'tong blonde na 'to ah!

"Hindi na kailangan. Pareho lang naman kami nang inuuwian. Sasama na siya sa amin." Mariin kong sabi sabay lagpas ko sa kanya ngunit pinigilan na naman niya ako't itinulak palayo.

Nakarinig ako ng mga gasps ng mga taong nakakita sa pangyayari.

"I said back off, you jerk!" Sumbat niya sa akin.

Bwesit 'tong g*gong 'to a! Hinahamon ba niya ako?!

Nilapitan ko siya't itinulak rin saka tinitigan nang masama.

"You back off! She's not yours!" Nanggigilaiti kong sabi sa kanya.

Pilit naman kaming inilalayo sa isa't isa nila Ami at Darla pero hindi pa rin ako nagpatinag sa kaharap kong g*go hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagtama ng kanyang kamao sa aking panga't napatihaya ako sa lupa. Napasigaw naman sina Ami sa nangyari.

Mabilis naman akong napatayo't susugurin ko na rin nang biglang awatin kaming dalawa nina Calvin.

"Tama na! Hunter! Skye! Maghunusdili kayo at nasa labas tayo!" Sigaw ni Raven sa amin.

Marahas ko namang binawi ang aking braso mula sa pagkakahawak nina Calvin at Ivan.

"Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, Rave! He should know his place!" Sumbat pa noong g*go habang nakaturo sa akin.

Aba'y bastos talaga 'tong t*rantadong 'to! Susugurin ko na naman sana siya ngunit mabilis sina Calvin at Ivan sa pagpigil sa akin. Bigla namang pumagitna si Ami at tila namumula ang mukha sa inis.

"Tama na! Awat na! Pagod na tayong lahat. Let's just go home, okay?" Mariin nitong sabi.

Marahas namang binawi ni Skye ang kanyang braso kina Jasper at Raven bago niya hinila papaalis doon si Ami at sapilitang isinakay sa kanyang sasakyan.

Aalis na naman siyang kasama 'yang g*go na 'yan! Muli akong nilingon ni Skye habang tinutungo niya ang driver's seat ng kanyang sasakyan and flashed me his middle finger.

F*ck! Hindi ako makakapayag. Nang maramdaman ko ang pagbitaw sa akin nina Calvin ay mabilis kong tinakbo ang sasakyan nito't binuksan ang passenger's seat.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now