Kabanata 24

407 14 0
                                    

Feelings


"Sora!" ang tunog na mas malakas pa sa tunog ng alarm ko at kasabay nito ang sunod sunod na malalakas ding katok sa pinto ng aking silid.

"Ayy, kabayo!" Nasabi ko nang mahulog ako sa kama sa gulat ko dahil dito. Agad ko namang binuksan ang pintuan at nakita ko sa Kuya Bait na may pag-aalala sa mukha.

"Asan ang sunog, Kuya?!" Natataranga kong tanong nang makita siya.

"Wala dito ang sunog, Sora," sagot naman niya.

Haaay, naku, Kuya Bait naman, eh! Wala naman palang sunog, kung makasigaw parang mamatay na.

"What were you thinking?!" Biglang sigaw ni Hunster out of nowhere.

"Ha? Anong ikinagagalit mo diyan? Kagigising ko palang nga," mabilis kong sagot dito.

"That's not it, Sora," narinig kong sabi ni Kuya Bait, "The cyberworld's abuzz with hate posts about Polaris and apparently you too," dagdag pa nito.

"Cyberworld? As in sa internet?" Pagka-clarify.

"May iba pa ba?! Ano bang pumasok sa kokote mo't pumatol ka pa sa mga fans ng Zeus?!" Sumbat ni Hunster.

Kailangan talagang sumigaw?! Nabibingi na ako rito ah! Wait, did he just say fans ng Zeus?!

Napatingin ako kay Kuya Bait na may pagkabahala. Tumango lang ito habang ipinapakita ang headlines ng tabloid -- Polaris vs Zeus.

"What?!" Hinablot ko kaagad ang hawak niyang papel at binasang mabuti ang nilalaman.

Paanong nangyari na ang sagutan namin ng mga fans ng Zeus ay umabot sa labanan ng dalawang bands? Parang wala naman akong sinabing ganito ah!

"Kuya, wala naman po akong sinabing masama against Zeus," depensa ko rito.

"Bobo ka pala eh! Inaway-away mo fans nila. Ipinakilala na kita bilang songwriter ng Polaris. Your word represents our stand as a band! Bakit hindi ka nag-ingat sa mga sinasabi mo?! Palibhasa kasi war freak ka! Lahat ng away hindi mo inaatrasan! Matuto kang lumugar!" Sabi naman ni Hunster.

Aray, ang sakit naman niyang magsalita.

"Wag mo akong tawaging bobo! Siguro nga nagkamali ako nang patulan ko mga hate posts nila sa akin and I didn't consider na maaapektuhan ang grupo sa pagdedepensa ko sa aking sarili pero hindi ako bobo!" Sagot ko sa kanya habang pinipigilan ko lang ang mga luha ko.

"O, awat na. Awat na," sabi ni Kuya Bait sa amin, "Wala na tayong magagawa kasi nangyari na. Andiyan na 'yan. Masyadong nagreact ang fanclub ng Zeus sa pinost mo ma girlfriend ka ni Skye. Maging si Skye napasagot nang wala sa oras," narinig kong sabi nito habang inaabot niya sa akin ang kanyang macbook.

"Ewan ko sa inyong dalawa! Bahala kayo!" Narinig naming sabi ni Hunster bago ito bumaba na ng hagdan.

Nang babasahin ko na sana, biglang binawi ni Kuya Bait ang kanyang macbook.

"Promise me first," sabi nito na nagpalito sa akin, "When you read his reply, you read it on Sora's perspective and not Ami's, okay? Promise?" Sabi pa nito at kahit naguguluhan ako't kinakabahan sa babasahin ko, tumango na lang ako. Iniabot niyang muli ang macbook at nabasa ko ang reply ni Skye sa post ko.

Langit replied I'm very flattered Ms. @iAmSora for your statement but I am not sure I know you. Last time I check I have #nogirlfriend. Heard you're with @polarisband. We should jam sometimes. #godofbands #polarisband #rockbandfestival

#nogirlfriend... Anong ibig niyang sabihin nito?

#nogirlfriend...

#nogirlfriend?! Eh, ano ang tawag niya sa akin?! Nakalimutan niya na ba ako? Skye?

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon