Kabanata 62

313 8 7
                                    

Girlfriend

Bago pa ako tuluyang mahiga sa tubig, nakita ko si Hunster na tumatakbo papunta sa akin. Binigyan niya muna ng malakas na suntok si Wolf sa mukha bago ako agad iniahon sa tubig. Agad akong umubo para mailabas ang mga nainom kong tubig dagat.

"Ok ka lang?" May pag-aalalang tanong ni Hunster habang inaayos ang natabingi kong sunnies. Tumango na lamang ako habang patuloy pa rin ako sa pag-ubo. Ang alat-alat ng lalamunan ko. Pwe!

"Walang hiya ka, Wolf! Pati babae pinapatulan mo?!" Galit na sigaw ni Hunster sa lead guitarist ng Zeus.

"Siya 'tong nangingialam dito!" Sigaw naman ni Wolf sa kanya.

"Kahit na! Babae pa rin si Sora! Saan mo ba nilagay ang kokote mo't baluktot ata 'yang pag-iisip mo?!" Nanggigilaiting sabi ni Hunster na naka igting ang bagang na nakaharap sa gitarista.

"Sumusobra ka na!" Akmang susuntukin ni Wolf si Hunster nang biglang may sumigaw sa kanyang likuran.

"Wolf! Anong kaguluhan 'to?" Tanong ni Skye habang nililibot ang paningin sa paligid hanggang sa humantong ang kanyang mga mata sa akin.

Agad namang humarang si Hunster sa harap ko't itinago ako sa mga mata ni Skye.

"Wala 'to, Skye," mahinahong sagot ni Wolf pero kung makatitig sa amin ay parang pinagbabaril na kami sa ulo!

"Pumunta ka na sa van at ilang sandali na lang ay aalis na tayo," narinig naming utos ng kanilang leader sa kasamahan.

Minataan kaming lahat nang masama nito bago tuluyan nang umalis habang nakasunod si Maui sa kanya. Kahit nasa malayo na'y dinig ma dinig pa rin namin ang pagmumura ng gitarista.

"I don't know the story pero ako na ang humihingi ng despensa para sa aking kaibigan," narinig naming sabi niya.

Sumilip ako mula sa likod ni Hunster at kita ko ang nahihiyang mukha nito habang nakikipag-kwentohan kina Kuya Calvin.

Maya't maya nama'y naramdaman ko ang paghawak ni Hunster sa aking kamay bago ako hinila papalayo roon. Walang tanong-tanong akong sumama rito habang nililingong muli ang nakangising mukha ni Skye. Ilang saglit lang nang biglang nagtama ang aming mga paningin. Agad akong nag-iwas ng tingin habang ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi habang naiisip 'yong halikan namin kagabi.

"Sora, sandali!"

Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ang kamay ni Skye sa aking braso na nagpatigil sa paglalakad namin ni Hunster. Agad namang hinawi ni Hunster ang kamay nito at itinago ako sa kanyang likuran. Bago pa ako tuluyan niyang naitago, nakita ko ang pagtatakang ekspresyon sa mukha ni Skye habang nakatingala sa mukha ni Hunster.

"Gusto ko lang makausap nang sandali si Sora," narinig kong sabi ni Skye.

Nagsimula na naman ang karera ng mga kabayo sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ito ay dahil gusto akong kausapin ni Skye o dahil sa pagpoprotekta sa akin ni Hunster sa taong laging nagpapalungkot sa akin.

"Para ano pa, Skye?" Mariining sagot naman ni Hunster - mas humihigpit pa ang pagkakahawak sa akin.

Napatingin ako sa tensyonadong likuran ng kasama ko. Para bang pinipigilan niya ang sarili.

"Please, Hunt, sandali lang naman. Aalis na kasi kami maya-maya. Wala nang ibang panahon para magkausap kami," mahinahong sagot ni Skye.

Parang lumulundag na ang puso ko sa aking rib cage. Tungkol ba 'to sa naganap kagabi? Nagsisisi ba siya? Magso-sorry? Sumikip bigla ang dibdib ko nang maisip na baka nagawa niya lang 'yon kasi nabigo siya kay Aya at nagkataon na ako lang ang babaeng nandoon sa tabi niya.

Reaching SkyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora