Kabanata 63

788 32 6
                                    

Sugat



** Hunter's POV **

"Hunster. Hunster." Dinig na dinig kong tawag sa akin ni Ami pero nagkukunwari akong tulog dito sa puwesto ko sa loob ng van namin at hindi siya marinig.

"Hunster." Muli pa niyang tawag sa akin pero iniba ko lang ang posisyon ko at di pa rin siya kinibo.

"Napagod ata sa kalalangoy kanina, Sora, kaya tulog na tulog." Narinig ko namang sabi ni Rin mula sa front seat.

"Ganoon ba?" Medyo napakunot ako sa aking noo nang mapansin ang lumbay sa kanyang tono.

Bakit ba nagkukunwari akong tulog dito at hindi siya pinapansin gayong gising naman ako? Totoo 'yong sabi ni Rin kanina. Pagod ako. Hindi dahil sa paglalangoy kanina kung hindi dahil sa nararamdamang sakit sa dibdib ko na hindi ko makontrol.

When she chose to go with Skye para makipag-usap, palihim ko silang sinundang dalawa. Unang salita palang ni Skye, nanginginig na ako sa galit. Ang kapal niyang magalit kay Ami gayong siya naman iyong maraming kagag*hang nagawa sa kanya. Plano kung ilayo doon si Ami once paiyakin na naman niya ito. Ipinangako ko sa aking sarili kagabi na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para protektahan ang kaligayahan niya. Hindi ko siya hahayaang lumuha ng dahil na naman sa lalaking 'yon.

Nakatago ako ngayon sa likod nitong mga rosas at nakasilip sa kinatatayuan ng dalawa.

"Gusto mo rin ba siya?" Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang tanong ni Skye lalo na't hindi kaagad nakasagot si Ami.

Gusto niya rin kaya ako? Kung babasehan ko ang pagsagot niya sa mga halik ko kagabi, hindi ba't malaki ang posibilidad na gusto niya rin ako? Ang lakas ng kaba sa dibdib ko na halos hirap ako sa paghinga. Umaasa kaya akong aminin ni Ami sa lalaking kaharap niya na gusto niya rin ako?

Maaaring gusto ka rin nga niya pero ang mahal niya ay si Skye. Ang paulit-ulit na paalala ng isipan ko. Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa thought na 'yon.

"Kaibigan ko si Hunster. Siya ang tinuturing kong matalik na kaibigan dito simula nang dumating ako sa Metrocity. Concerned lang siya..."

Parang hiniwa ng kutsilyo ang dibdib ko sa aking narinig na sagot ni Ami. Kaibigan? Concerned? Nanghahalik ba ang isang kaibigan lang? Nanghahalik ba ang isang concerned lang?

Sh*t! He kissed her!

Tila hindi ako makahinga as I watched him hug her. Ami... Ba't wala kang ginagawa?! Itulak mo siya! Sumigaw ka ng tulong at tatakbo agad ako sa tabi mo para ilayo ka sa kanya! Ba't di ka nanlalaban?! Nakalimutan mo na ba ang mga ginawa niyang pananakit sa 'yo? Balewala na lang ba 'yong nangyari sa amin kagabi? Balewala na lang ba sa kanya ang lahat ng mga sinabi ko?

Ilang sandali pa'y tumalikod na ako. Masyado ng masakit sa dibdib ko ang makita siyang ipinapaubaya ang sarili sa lalaking 'yon. Ayoko ng makitang mahal pa niya talaga si Skye. Nanginginig na ang mga kalamnan ko habang patuloy silang pinakikinggan at di ko napansing napakapit na pala ako nang mahigpit sa hawak kong tangkay ng rosas.

"Be my girlfriend."

Parang may pumunit sa puso ko nang marinig ito mula kay Skye. Hindi ko hinintay pa ang isasagot ni Ami. Tila alam ko na kung anong kalalabasan nito. Umalis na lang ako doon at galit na tumakbo patungong dagat.

"Hunter, si Ami nasaan?" Tila narinig kong tanong ni Ivan pero hindi ko siya pinansin.

Agad kong hinubad ang suot kong tshirt at tinungo ang galit na mga alon ng dagat. Nang salubungin ako ng maalat na tubig nito'y hindi ko na naligilan ang paghulog ng aking luha. Lumangoy ako nang lumangoy hoping that this sea could wash out all these pain in my heart. Na sana ay malunod na rin 'tong nararamdaman ko para kay Ami hanggang sa kailaliman nitong karagatan. Ramdam ko ang manaka-nakang hapdi ng sugat sa aking palad pero hindi nito mapapantayan ang hapdi ng sugat sa aking puso. This is my first heart break.

Reaching SkyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora