Kabanata 26

404 16 0
                                    

Noreen


Pagkasok namin sa silid, bumungad sa amin ang isang malawak na hallway at malapit sa amin ay may receptionist na nakaabang. Nang makita ang babaeng naka-wheelchair ay agad naman itong tumayo't nag-bow dito.

"We have ten recording studios inside this floor," sabi ni Ms. Therese, "Each studio is equipped with high-end recording technology na pang internationalcang quality," sabi pa niya, "Your studio will be..." sabi nito hahang chini-check ang kanyang IPad, "Ah, the 10th room!" Sabi nito bago mabilis na pinaandar ang kanyang wheelchair towards the end of the hall at nakasunod naman kaming lahat sa kanya.

"Siya ba talaga ang may-ari? Parang napakabata naman ata niya, " narinig kong bulong ni Hunster kay Kuya Bait na tila narinig din ni Ms. Therese dahil bigla itong huminto't humarap sa amin.

"I heard that Mr. Hunter, " sabi pa nito, "We are only of the same age but I don't think age has got something to do with skills and capabilities. Do you?" Nakaupo nga siya sa harap namin pero parang kami pa ang nakatingala sa kanya ngayon.

"N-no, of course not," nauutal si Hunster?!

Wow! What an amazing woman you are, Ms. Therese! Pumapalakpak na ako sa aking isipan ng biglang lumabas mula sa pinakadulong pintuan si Ivan.

"Sora!" Tawag nito habang tumatakbo papalapit sa amin, "Ang tagal niyo naman. Tara na! Kanina pa kami atat dun!" sabi pa nito habang hinihila na ako.

"Mr. Ivan, let me remind you that this is a recording company and not a football field for you to run around, " panimulang sabi nito nang lapitan siya ni Ivan and he pressed his forefinger on her forehead surprising her.

"I think a smile suits you better," sabi nito bago nginitian si Ms. Therese na natulala sa ginawa ni Ivan. Pagkatapos ay binalikan na naman ako, "Let's go, Sora. Hinihintay ka na rin nina Jasper. May ikukuwento kami sa 'yo! Dali!" sabi pa nito habang hilahila ako at nakasunod naman sa amin ang nakasimangot na namang Hunster.

Bad mood siguro dahil hindi siya makasagot kay Ms. Therese. Beh, buti nga sa kanya!

Pagkapasok namin, nakaupo sa may couch sina Kuya Jasper at Calvin na nagbabasa ng mga music magazines. Sa may unahan, may dalawang pintuan, ang isa'y may nakalagay na Music Admin habang 'yong pangalawa nama'y Music Studio 10 ang nakalagay.

"O, nandito na rin kayo sa wakas, " sabi ni Kuya Calvin nang makita kami ni Hunter at ibinaba na niya ang binabasang mag, "Kanina pa kami naiinip dito," sabi pa nito.

"Ikuwento niyo 'yong nangyari kanina!" masiglang sabi ni Ivan nang lapitan sila. Nagsitinginan naman sina Kuya Calvin at Kuya Jasper bago nila ako hinarap.

"We met--" magsasalita na sana si Kuya Jasper nang unahan siya ni Ivan.

"Nakita namin si Skye!" bulalas nito.

"Talaga? Nagkausap ba kayo? Anong sabi? Nabigla ba siya nang makiga kayo?" agad ko namang tanong.

Waah! Feeling ko malapit na kaming magtagpo ni Skye ko-- at bigla ko na namang naalala 'yong nangyari kanina. 'Yong part na tinakbo bigla ni Skye 'yong babae at sumabay ito sa kanyang sasakyan. Sino kaya siya? Ugh... ang sakit ng dibdib ko.

"Nagkausap ka--" magsasalita sana si Kuya Calvin nang biglang sumingit na naman si Ivan.

"Nagkamustahan kami! Wala pa rin siyang pinagbago. Kung ano siya dati, ganun pa rin siya ngayon... mukhang babae! Hahahaha!" panay tawa ni Ivan at sinapok siyang bigla nina Kuya Jasper, "Aray ko..." nasabi na lang nito.

"Pinapakuwento mo sa amin tapos kaw lang pala ang magsasabi? " inis na sabi ni Kuya Calvin sa kanya.

"Eh, naman kasi..." sabi pa sana ni Ivan.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now