Kabanata 5

633 17 2
                                    

Narda

"There's a bit of a problem kanina sa mga avid fans ng Reload. Behave lang kayo mga Reloaders ha nang hindi kayo maevict sa Olympus!" Narinig kong in-announce ni gwasungit matapos ng kanilang kanta at patuloy pa rin ang pagsapilitang papalabas sa amin ni ate magnanakaw.

Sumagot naman ang audience ng pagkalakas-lakas na Oo. Papalapit na kami sa pintuan nang magsalita naman si barbie doll now using her british accent.

"And now, the moment we've all been waitin' fo'!" Narinig naming sabi nito na may kasama pang paghampas ng drums at matatalim na nota ng lead guitar. Tila nagsasayawan ang mga lights sa buong hall habang ang mga tao'y hindi na magkandamayaw sa excitement, "'ere they are, the God of Sky, Zeus!!!!!" Ang lakas nang sigawan at hiyawan ng mga tao ng lumabas na ang mga members ng Zeus.

"Zoey - drums!" pagpapakilala nito sa mga members.

"Rain - keyboards!"

"Amber - bass!"

"Wolf - " hindi pa natapos magsalita ni barbie doll ay biglang sumingit ang matatalim na tunog ng lead guitar.

"Awoooo!" sigaw pa noong may hawak ng gitara. Hanep, magkakasundo sila ni gwasungit sa pagyayabang.

"Wolf - lead!"

"And the vocalist of Zeus..." hiyawan lang ng mga tao ng sabihin 'to ni barbie doll. Nagsimula nang magpalit ng tugtog. Mas powerful ang mga ito't tila yumayanig ang buong hall sa sobrang excitement ng crowd. Ang tinig ng electric guitar ang parang kumakanta sa buong paligid.

"Skye!!!!!" malakas na sabi ni barbie doll at tinumbasan naman ito nang maingay na paghiyaw ng mga fans.

NP: Hallelujah by Bamboo

Naaninag ko ang paglapit ng mukha ng aking Skye sa big screen at bago pa ito nagsimulang kumanta siya namang pagsarado ng mga pintuan sa harap ko. Wala na...nasa impyerno na kami. T.T

"No!!! Ibalik niyo ako roon! Please lang ibalik niyo ako roon!!" Paghuhurumintado ko na sa mga taong naroroon, "Please lang po ibalik niyo na ako roon! Promise po magbebehave na po ako! Hindi ko na lang babawiin 'yung bag na ninakaw nito sa akin, pabalikin niyo lang po ako roon! Please maawa po kayo!" Sunud-sunod kong sabi habang panay pa rin nang hila itong sina kuya muscles sa amin. Si ate magnanakaw naman nakadungo lang na para bang wala lang sa kanya na pinalabas kami. Bwesit talaga.

Dinala kami hanggang sa labasan ng dome at ipinagtulakan papalabas. Oy, against human rights 'yang ginagawa niyo mga kuya ah! Lalaban pa sana ako kaya lang ang la-laki nila eh. Di carry ng powers ko. Teehee... Teka, back sa mission ko.. Skye!

"Sa susunod na manunuod kayo ng isang concert na kasing laki nito, wag niyong ipapakita ang mga mababahon niyong mga ugali. Bukod sa ipinapahiya niyo ang mga sarili niyo, nakakadisturbo pa kayo ng ibang tao!" Galit na sabi sa amin ni Kuya Muscles 1.

"Pero kasi Kuya, ninakawan niya kasi ako kanina," turo ko pa kay Ate Magnanakaw na tila kinakausap ang sarili. Naku, baliw pa ata 'to!

"Totoo ba 'to Miss?" Tanong ni Kuya Muscles 1 dito nang bigla namang napatawa 'tong si Ate Magnanakaw.

"Buhahaha...tinitigan niya ako! Tinitigan ako ng Hunter ko! Buhahahaha!" Bulalas pa nito bago kami hinarap, "Nakita niyo 'yon? Nakita niyo 'yon 'di ba?" Pagtatanong nito sa amin na hindi makapagsalita sa kanyang inaasta. Ang tinutukoy siguro nito ay 'yong time na kinakaladkad kami papalabas ng hall at nadaan kami sa harap nila gwasungit. Iniisip ko pa lang alam kong nagtatatawa na 'yon ngayon. Grrrrrr!

"Nakita niyo? May connection kaming dalawa ng Hunter ko... we're meant to be together!" OA mo naman 'te, napalingon lang sa'yo meant to be na agad?

Reaching SkyWhere stories live. Discover now