Kabanata 8

524 15 0
                                    

Kanta



Madilim na at hindi pa ako nangangalahati sa ginagawa kong pag-aayos. Paano naman kasi eh, nakakalito 'tong scores ni gwasungit. Parang pare-pareho lang ang mga arrangement ng mga nota. Talaga bang may at least 9 songs dito? Hindi kaya iisa lang ang kantang naririto tapos nakaphoto copy lang 'yong iba? Argh! Nakakalito naman ito! Parang mauubos na ang buhok ko sa kakagulo ko dito.

"Tabi," narinig kong bigla sabay usog niya sa akin sa aking inuupuan tuloy nahulog ako sa sahig.

"Aray," nasabi ko na lang habang hinihimas-himas ang pwet ko, "Marunong ka naman sigurong magsabi ng excuse me, hindi ba?" tanong ko sa nakausog sa akin. Sino pa nga ba? Eh di si Hunter gwasungit!

Tiningnan niya ako ng masama pero walang imik-imik na bumalik sa kanyang ginagawa. Tumayo na lang ako't pinagmasdan ko ang ginagawa niya.

"Alis! Hindi ako makapag-concentrate pag nakakakita ako ng pangit," narinig kong sabi nito habang inaayos into 9 groups ang mga papel.

Ano raw? Ako? Pangit? Excuse me! Pagsasabihan ko sana siya ng napansin ko si Kuya Bait na tinatawag ako. Naku, kung hindi lang ako makapagpigil eh! Pinuntahan ko na lang si kuya bait.

"'Wag mo na siyang galitin pa at baka paalisin ka pa niyan dito. Maui managed to calm him down kaya hayaan mo na lang siya muna," sabi nito sa akin pagkalabas ko.

"Ganoon ba talaga ugali noon, Kuya Bait? Parang may PMS lage?" tanong ko rito.

"Pfft!" pigil na tawa ni kuya bait, "Ganoon lang talaga 'yon pag naapakan mo pride niya, " sagot niya sa akin. Pride? Naapakan ko ba pride noon? Kailan? Noong tinawag ko siyang magnanakaw? Ang tagal na noon, ah! Napaka-bitter talaga!

"Pero magaling talaga siyang musikero. Ito 'yong passion niya kahit noon pa man. Mabuti rin siyang tao once you get to know him a little bit more, " nakangiting sabi pa nito sa akin. Hindi ko makuha kung saang banda ng pagkatao noon ang pagiging mabuti.

"But he sure loves his face as much as he loves his music," narinig naming sabi ni barbie doll na bigla na lang sumulpot.

"Ayy, kabayo! Kaw naman barbie doll, ginulat mo kami," sabi ko rito and she giggled sweetly.

"Well, I overheard you two talking, I figured I can go along with whatever you two are talkin' about," nakangisi pa nitong sabi, "But it's true - what I said. He's such a narcissist," sabi pa nito while looking at gwasungit's busy form.

"Bitter ka lang kasi dinededma niya lang beauty mo," narinig naming sabi ni Kuya Silent na bigla ring sumulpot at may hawak na karton ng fresh milk. Sinapak naman ito ni barbie doll.

"Well whatever," sabi naman ni barbie doll, "It's not my fault his brain's not functioning properly. Every man would love to have me by their side, " pagmamalaking sabi nito.

"Yeah right. You mean to say, would love to have you in their beds," sabi ni kuya silent habang naglalakad papalayo't iniinom ang daladalang karton ng gatas.

"What did you say?" galit na sabi ni barbie doll habang hinahabol si kuya silent. At 'yon nawala na rin silang dalawa.

"Hay naku! 'tong dalawa talaga," narinig kong sabi ni kuya bait sa tabi ko.

"Kuya Bait, kaw lang ata ang normal sa group niyo," nasabi ko na lang bigla. Natawa siya sa sinabi ko.

"Oy, baka may crush ka na niyan sa akin ha?" tawa pa nito.

"Ngee, hindi po 'no! Si Skye lang ang mahal ko," mabilis kong sagot dito.

"Binibiro lang kita, kaw naman," sabi naman niya habang ginugulo ang buhok ko. Um, hindi po ako aso.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now