Kabanata 52

304 10 0
                                    

Himig ng Pag-ibig

** Ami's POV **

Ano bang problema noong Hunster na 'yon at nagsusungit na naman? Nagtatanong nga lang 'yong tao. Dito na lang nga ako kina Kuya Jasper makiki-jamming.

"Sora, nandito ka pala," paglinga ko nakita ko si Ms. Rin na lumalapit sa akin at kasunod niya naman si Skye. May kung anong pumipiga sa puso ko't nahihirapan akong huminga, "O, ba't suot-suot mo pa rin 'yang maskara mo?" natanong niya sa akin.

"Oo nga, Sora. I've yet to see what you look like without that mask?" nakangiting sabi naman ni Skye.

"O, baka naman totoo 'yong mga nakapost doon sa twitter na hindi ka kagandahan kaya lage mong suot 'yan?" singit naman ni Wolf nang marinig ang aming pag-uusap.

Well, that's the point! Ayaw ko pang makita mo kung sino talaga ako. Not now that I'm finally seeing you outside Ami's world. Alam kong ibang Skye na ngayon ang kaharap ko kaya gusto ko muna siyang makilala bago ko sabihin sa kanya kung sino ako. Pero 'yong totoo? Gusto ko lang malaman kung may lugar pa ba ako sa mundo niya.

"Oy, sobra kayo! Nakita ko ng walang maskara si Sora and flawless ang mukha niya. Maganda," nakangiting sabi sa akin ni Ms. Rin habang tinuturo ako, "Nahihiya lang siya kasi nandito sa harap niya ang crush niya," panunukso pa nito.

"Ahaha... kaw talaga Rin. Ang cute mong magselos," sagot naman ni Skye.

Nakatingin ako sa kanilang dalawa habang may kung anong nakakatawang kinukwento si Skye kay Ms. Rin at tawang tawa ito. May gusto kaya si Ms. Rin kay sa kanya? Tss. Sinong niloko ko? Sino bang hindi magkakagusto kay Skye?

"Are you okay, Sora?" narinig kong tanong ni Ms. Rin nang mapansing hindi na ako kumikibo.

"H-ha? Ah... oo naman!" mabilis ko namang sagot.

"Sure ka? Parang namumutla ka kasi, e?" tanong pa niya habang hindi pinapansin ang mga sinasabi ni Skye na tila walang pakialam kung napaano na ako.

"Ay, wala 'to. Dumating lang kasi period ko," pagsisinungaling ko naman. Tapos na ang dalaw ko noong isa pang araw. Ayaw ko lang na ako na naman ang ako na naman ang gawin nilang topic.

"S-sora!" bigla namang tawag sa akin ni Ivan sabay hila sa akin papalapit sa kanila nina Kuya Jasper, "Halika at tugtugan mo naman kami," nakangiti nitong sabi sabay pasa sa akin ng isang acoustic guitar.

Napatingin ako sa kanya at hindi ko makuha kung anong gusto niyang mangyari.

"Please?" paglalambing pa nito sa akin. Tinitigan ko muna siya saglit pagkatapos ay nilinga ko sina Skye at Ms. Rin na nakatayo lang sa malapit at hinihintay ang pagsimula ko.

"Marunong ka rin palang tumugtug ng gitara?" tanong ni Skye na tila'y manghang-mangha sa kanyang nakikita.

"Oo naman! Tumugtog din siya doon sa bistro noong pumunta kayo para manood, naalala mo?" mabilis na sagot ni Ivan.

If you were busy doing dirty things with that woman and just paid attention noong nagperform ako doon sa bistro, noon pa lang sana ay alam mo na tumutugtog ako ng gitara.

"Siya na ang pinaka talented girl na nakilala ko, di po ba Ms. Rin?" dagdag pa ni Ivan na tila nakatingin kay Ms. Rin pero sinusulyapan si Skye na nagkunot ng noo.

Ang "pinaka" pa talaga ha? At naka all-caps pa!

"It's always a pleasure seeing you sing with a guitar, Sora," nakangiting sagot ni Ms. Rin dito, "Will you sing us a song?" dagdag pa nito bago kumuha ng mauupuan at naupo sa harapan ko.

Ano ba 'yan? Naging impromptu performance na ang nangyayari. Kumuha na lang rin ako nang mauupuan at naupo roon. Inayos ko ang pagkakahawak sa gitara. Bago ko sinimulan ang pagtugtog ay napasulyap ako nang saglit kay Skye na ngayo'y nakaupo sa tabi ni Ms. Rin.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now