Kabanata 33

378 14 0
                                    

Pansinin

** Hunter's POV **

Sinuntok ko nang may kalakasan ang wall ng banyo habang naka-on ang shower at binabasa ang katawan ko.

"D*mn it!" pagmumura ko.

Napatingin ako sa mga fists ko at naalala ang nagawa ko kay war freak kanina. I've just pinned her on a wall! Pinned her! I just remembered how she smelled back then... ahh... ang bango niya... Shit! Ano ba 'tong iniisip ko?! Bakit ko ba kasi nagawa 'yon?! Ano na lang ang iisipin ni war freak matapos kong gawin 'yon? Siya naman kasi eh... ininsulto pa niya ang pagkalalaki ko. Tawagin ba naman akong hindi lalaki?! Still... hindi ko dapat ginawa 'yon sa kanya.

Tiningnan ko na naman ang mga kamay ko na kanina'y naka-grip sa kanyang mga thin arms... was she that thin all along? Papaano niya ako naihagis that day with that arm of hers? Napailing na lang ako ng aking ulo sa naalala.

Ano pa ba kasing gusto niyang gawin ko? Ilang araw na ba akong nagpaparamdam sa kanya? Hindi pa rin niya makuha?! Ilang beses pa ba akong magpapa-sweet sa kanya? Hindi ba niya napapansin? Ugh! That woman is so frustrating! Kaya lage ko na lang nasusungitan kasi nakaka-frustrate na talaga! Hindi ba pwedeng pansinin niya naman ako! Si Skye na lang palagi ang laman ng isip niya! Hindi naman siya iniisip noon! Aaaah! Kakaasar! Ginulo-gulo ko ang ngayo'y basang-basa ko ng buhok. Hindi ko na kasi alam kung ano pang gagawin para mapansin niya namang lalaki rin ako. Nagbuntong hininga na lang ako't tinapos na lang ang aking pagligo.

Naalala ko na naman ang lapit ng katawan niya sa akin kanina, her sweet scent... Ugh... hindi na naman ako makakatulog nito.

** Ami's POV **

Kinabukasan, pansin ko na lang na tila iwas tingin si Hunster sa akin. Galit pa rin ba kaya siya sa sinabi ko sa kanya kagabi? Ang OA naman nito... parang joke lang eh. Naalala ko bigla 'yong pag-pin niya sa akin sa wall. 'Yong intensity ng green eyes niya. Waaaaaaaaah.... kung sa ibang babae niya ginawa 'yon, ewan ko lang kung pakakawalan pa siya nito. Sobrang hot niya nun ah! Pero siyempre hindi naman ako ibang babae kaya hindi ko 'yon magagawa. May Skye na kasi ako. Pero talagang kakaibang Hunster 'yong nakita ko kagabi. Napailing-iling ako habang napapaisip, hindi ko tuloy namalayan na nasa hagdanan na pala ako.

"Hoy!" narinig kong bigla na may sabay higit sa baywang ko saving me from falling off the stairs.

"Waaa... muntik na!" ang nasa ko na lang, "Thanks--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makitang si Hunster pala ang nagligtas sa akin looking at me with those same intense eyes he has. Hmmm... bagong paligo siya ha at basa pa ang buhok. Rawr! Ay... este.... Grrrr... ehehe... May Skye na ako. May Skye na ako. May Skye na ako.

Biglang iwas tingin na naman siya sabay bitiw sa akin.

"Sa susunod wag kang tatanga-tanga," ang narinig ko lang bago ito naglakad na palayo.

Ugh... napakasungit talaga! Pero kailangan kong ayusin 'to at baka kung ano pang sabihin ni Kuya Bait once mapansin niya ang pag-iwas sa akin ni Hunster.

"Hoy, Hunster!" habol ko dito, "Galit ka pa rin ba dahil kagabi?" tanong ko rito.

Walang kibo ito at panay pa rin sa paglalakad patungong practice studio.

"Hunster..." tawag ko pa rin dito habang sinusundan siya papasok sa loob, "Hoy... kausapin mo naman ako, o. Para naman akong timang dito, eh," sabi ko habang siya nama'y naupo malapit sa kanyang electric guitar at pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalyang nakasabit sa kanyang leeg.

Nalingon lang siya nang saglit sa akin pero wala pa rin siyang sinabi. Ilang saglit pa ay inihagis niya ang kanyang tuwalya sa may couch at kinuha ang kanyang gitara't nagsimulang magtugtog.

NP: Pasensiya Na by Cueshe

Natingin siya sa akin habang kinakaskas ang kanyang gitara. Ayan na naman 'yang green eyes niya... nanunusok na naman! Pikit ka na... sige na... baka kasi kung ano pang gawin ko sa 'yo eh... ha?! Ano bang gagawin ko sa kanya?! Ahem... behave, Ami.

Mga mata mo'y nakakaakit
Ng 'di sinasadya

Napatingin akong muli sa kanya when I heard his first lines.

Ngiti mo'y nagbibigay sigla
Ng 'di mo alam

Wow... siya ba ang nag-compose nito?

Kakaibang Hunster ang nakikita ko ngayon. Not his usual self pero mas fierce ang aura niya ngayon.

Para akong nahihigit ng kanta nito. Ipinikit ko ang aking mga mata upang mas lalo pang maramdaman ang lyrics ng kanta. Echos... gusto ko lang iwasan 'yung mapanuksong mga berderng mata ni Hunster. Kanina pa ako nalulusaw sa katititig niya eh! Ano ba naman? Pinsan ba sila ni Cyclops ng X-men?

May napupusuan na ba talaga si Hunster? Unrecquited?

Matapos niyang hiritin ang mga rifts ng lead ay tinapos na niya ang kanta. Napamulat ako ng aking mga mata't nakita ko si Hunster na nakatitig pa rin sa akin with that serious look on his face. Ano kayang iniisip nito? Masyado naman siyang seryoso. Nilapitan ko siya kaagad at tinapik sa balikat.

"Ayos ah! Ang ganda ng kanta! 'Yan ba ang next single natin?" nakangisi kong sabi sa kanya.

Nagbuntong hininga siya't inirapan ako bigla tapos ay naglakad patungong couch para kunin ang kanyang tuwalya bago lumabas na ng silid.

"Hoy... Hunster!" habol ko sa kanya pero paglabas ko nakapasok na siya sa kanyang silid. Ugh! Ano bang problema nun?!

----

Makalipas ang isang linggo, naging totoo ang prediction ko. Sabay lumabas ang MVs ng new single ng Zeus at ng new song namin. At tulad nga ng nahulaan ko, wala masyadong nakinig sa bagong kanta namin. Nag-number one na naman ang new single nila Skye. Pinagmasdan ko ang ranking ng mga singles - number nine. Nasa number nine ang Makita kang Muli at nasa number two naman ang Superhero. Sabi nila not bad daw for a rookie band. Pero para sa akin, ba't parang ang layo-layo pa rin ng agwat ng 1 at saka 2? Kailan pa kaya liliit ang agwat sa pagitan namin ni Skye?

"Sora!" narinig kong tawag sa akin ni Ms. Rin.

"Ms. Rin," malungkot kong bati dito.

"O, ba't malungkot ka?" tanong naman niya nang mapansin 'to.

Hindi ko na siya sinagot at itinuro ko na lang ang listahan ng ranking ng mga songs.

"Asus, huwag mong isipin 'yan. Numbers lang 'yan.. ang importante, marami pa ring nakinig sa mga kanta mo," nakangiti nitong sabi, "Halika muna't may ipaparinig ako sa 'yo," nakangising sabi nito habang hinihila ako papunta sa couch.

Nang makaupo na kami ay mabilis niyang isinuot sa magkabilang tainga ko ang hawak na headsets. Nang pindutin nito ang play button, bumungad sa akin ang isang pop music.

Wow! Ang galing! Kahit walang lyrics, alam kong magki-click ito sa mga kabataan ngayon. Napaka-pop ang tunog pero pansin mo pa rin ang rock band instruments at hindi techno ang umiiral. Napakagaling ang pagkakagawa.

"Maganda?" narinig kong tanong ni Ms. Rin. Nangiti akong tumango-tango sa kanya. Simula nang naging close kami, mas lalo pa itong ngumingiti at nagsasalita. Hindi tulad noong dati na parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Naka-move on na kaya siya? Nakahanap ng bago? O, nagkita na silang muli ng lost love niya?

"Good," narinig kong sabi nito, "'Coz you'll be singing that this weekend at the Metrocity Mega Mall," sabi pa nito bago kinuhang muli ang mga headsets at inilagay sa loob ng kanyang bag.

"What?!" halos pasigaw kong sabi.

"You heard me right," sabi ni Ms. Rin na ngayo'y nakaharap na sa akin at nakangiti, "I'll be launching you this weekend as a singer," sabi pa nito with a confident look on her face.

Ano raw?! Ako? Gagawin niyang singer?! Ako?! Ako?! Ha?!

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon