Kabanata 56

321 8 0
                                    

Bitiw

Nang makarating ako sa stage, doon ko lang napagtanto ang lapit ng mga tables mula roon. Kitang-kita ko ang table namin habang nagsisipalakpakan sina Ivan at nakatingin sa akin. Sa gawing kaliwa ko naman ay ang table nina Skye na ngayon ay nakalapag na ang cell phone sa mesa at nakatingin sa akin. Sa gitna naman nakaupo si Therese na nakangiting naghihintay sa ipe-perform ko.

Nanginginig na namang muli ang tuhod ko at nilingon ko si Rin na nasa gilid lang ng stage nakatayo. Kinindatan niya ako't nag-thumbs up pa sa akin bago nagsimula ang bagong tugtuging pinag-practisan namin kanina.

"Si Therese ang isa sa mga taong nakapagbago ng aming tadhana. I think it's safe to say na isa nga siyang anghel na ipanadala ng langit para sa amin. Thank you Therese for giving us this opportunity, for believing in our music. Ang pagperform sa stage na ito'y isang munting handog ko para sa 'yo," nakangiti kong sabi sa kanya, "Sana'y magustuhan niyo," sabi ko pa bago ko sinimulan ang pagkanta.

NP: Lumingon Ka Lang by Sarah Geronimo

Napansin ko ang biglang pagtayo ni Hunster sa kanyang upuan at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Hinayaan ko na lang siya at ipinagpatuloy ang pagkanta habang sinasayaw ang lyrics.

Biglang umakyat ng stage ang mga backup dancers ko at nagsimulang sumayaw kasama ko.

Hindi ko napigilang mapatingin sa kinauupuan ni Skye. He's giving me all his attention.

This is it! I'll make you fall for me once again, you'll see.

Patuloy pa rin ako sa pagsayaw kasama ang mga backup dancers ko habang nakatingin naman kay Therese na napapaindak na rin sa rhythm ng song. Ang ilang mga tao nama'y napatayo at nakikisayaw na rin.

From the corner of my eye, napansin kong tila nagtatalo sina Hunster at Rin sa tabi ng stage. Ano kayang pinagtatalunan nila?

Nang tapusin ko ang kanta'y nagsitayuan ang mga tao habang pumapalakpak. Muli na namang umakyat ng stage si Rin habang si Hunster nama'y nakaupo nang muli sa kanyang upuan at tila ba'y mainit ang ulo. Anong problema noon?

"O, wala na bang mas lalakas pa diyan?" sigaw ni Rin over the mic at mas lumakas pa ang palakpakan at hiyawan ng mga tao. Maging ang mga waiters na nagse-serve ay napahinto para pumalakpak sa performance ko.

"Thank you po," sabi ko habang hinahabol ko ang aking hininga.

Talagang nakakapagod ang pagkanta at pagsayaw at the same time. Whew... hindi pala talaga madali!

Bumaba na ako ng stage at nilapitan si Therese para bigyan siyang ng isang mahigpit na akap.

"Thank you, Sora," bulong niya sa akin.

"Thank you rin, Therese. Happy birthday," bulong ko rin sa kanya, "Take care of Ivan, okay?" sabi ko pa nang bumitaw ako't kinindatan ko ang nakangiti niyang mukha.

Bago ako bumalik sa aking upuan ay sumulyap naman ako sa table ng Zeus. Nakatuon naman ang paningin niya kay Rin. Bumuntong ako ng hininga. Wala pa rin palang epek. Iniling ko na lang ang ulo ko't bumalik na sa table namin ng Polaris.

"Ayus nang ginawa mo, Sora!" natutuwang sabi ni Ivan habang kinakamayan ako.

"Good job," nakangiting sabi ni Kuya Jasper.

"We're you singing that to Skye?" biglang salita ni Hunster na nakakunot noo. Ano bang nakain nito't nagsusunget na naman?

"Mali ba?" tanong ko na lang sa kanya habang pinipigilan ko ang sariling huwag ma-bad trip kasi bad trip 'tong kaharap ko.

"Alam mo ba kung sinong may gawa ng kantang 'yon? Were you thinking about his feelings?" Tanong pa niya, ang mga berde niyang mata'y puno ng paghihinagpis.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now