Kabanata 67

749 30 2
                                    

Dalawang-Isip

** Ami's POV **

"Hmm... Bango-bango naman ng boyfriend ko."

"Rin naman... Kanina ka pa sumisinghap diyan. Baka maubos mo na ako."

"Hmmm... Ang bango mo kasi kahit kagagaling mo lang mag-work out. Masisisi mo ba ako?"

"Kailan ka pa naging bolera? Nagpapaturo ka ba kay Stan?"

"Ano namang ituturo noon? At saka, bakit naman kita bobolahin? Para saan pa e akin ka naman."

"Asus, ang sweet naman ng Rin ko. Pakiss nga."

Tsup!

Sabay kaming apat na umirap sa aming nakita. Di naming maiwasang mailang sa dalawang magkasintahang kanina pa naglalampungan sa harapan namin.

Nandidito kami ngayon sa studio para mag-record ng kanta. It's been three days since noong nakabalik na sa bansa ang Zeus. Three days na rin ang nakalipas since noong naglabas ng statement si Skye tungkol sa aming issue.

The picture is a private moment between me and Sora. Kung sino man ang kumuha't naglabas noon had definitely broken some rules. Isa na doon ay ang pagrespeto sa amin bilang mga tao. Mga artista man kami, may karapatan pa rin kami to privacy. Dahil doon, na-bash and na-bully ng ibang mga fans ko si Sora. Sana po magdahan-dahan naman tayo sa ating mga sasabihin. I understand po na pinoprotektahan niyo lang ang best interests ko pero sana huwag niyo siyang tratuhin na parang wala na siyang karapatan dito sa mundo. Hindi po niya kasalanan kung sa kanya tumitibok ang puso ko.

No. She's not my girlfriend. Not yet, that is. I know hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon pero sana hindi ito ang magiging rason kung bakit niya tatalikuran ang pagkakataong mahalin ko siya. Matagal na mula noong huli kong pagpasok sa isang relasyon kasi mas pinili kong pagbutihin ang aking career bilang singer. Kaya kung pagbibigyan niya ako ng pagkakataon, I'll cherish her for as long as I live.

Masaya po ako tuwing kapiling at kausap ko siya. For those fans who truly support and love me, alam kung maiintindihan niyo ang puso kong ngayon lang muling umibig. Hinihiling ko po sanang supurtahan niyo rin ako sa gustong landasin ng puso ko. Maraming salamat po.

Hanggang ngayon, hung up pa rin ako sa mga sinabi niya. Hindi naman siguro 'yon scripted, di ba? Shemay lang kasi kilig na kilig ang lola niyo habang pinapanood siya sa TV. Of course, matapos noon, just like he promised, tumawag siya sa akin. And again, lumalapad ang atay ko sa ganda ng boses niya. Just like old times ang feeling ng lola niyo. Super haba hair! Kaibahan nga lang, si Sora na ang tinatawagan niya, hindi si Ami.

Sa mga nagtataka kung pareho pa rin ba ang number ko sa dati, nope! Nang tanggapin ko ang role ni Sora, binilhan ako ng bagong phone ni Kuya Bait at 'yon ang lagi kong ginagamit. Nasaan na 'yong luma? Nandoon sa ilalim ng aking cabinet. Tito ko lang naman ang laging tumatawag doon, mga once in a month, para kumustahin ako. Siyempre, katulad ng nakalahad sa kontrata, hindi niya alam na ako si Sora. Akala niya nagtatrabaho ako bilang staff ng Polaris. Hindi rin naman siya interesado sa showbiz kaya hindi na siya masyadong nagtatatanong.

So 'yon, mula noon, lagi na akong tinatawagan at tinetext ni Skye. Kilig much everyday. Ahaha. Kwentuhan lang palagi. Lambingan pag may time. Pero siyempre pa-hard to get ang peg ko. Akala niya I'll make it easier for him pagkatapos niyang mag-release ng sweet, sweet, sweet, sweet statement sa press and mag-tweet ng nakakaumay sa tamis na message sa twitter.

langit tweeted to the girl who makes my heart go crazy, i love you @iamsora. Pls be #mygirlfriend

Well, he got it wrong. Di papayagan ni Ami si Sora na gawing madali ang lahat para sa nakalimot na kasintahan. But last night, may weird siyang nasabi sa akin bago siya nag-good night.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon