Kabanata 50

755 36 12
                                    

Resort

** Ami's POV **

Lumipas ang halos dalawang buwan, matapos ang pagkarami-raming mall shows at road tours namin ng Polaris, nagkaroon rin kami sa wakas ng break. Thanks to our busy schedules nawalan ako ng panahon para maisip ang tungkol kay Skye at makapagmukmok. For some reason, ayaw akong tantanan nila Hunster at Ivan for the whole duration of our road trips. Lage na lang akong kinukulet o di kaya naman ay iniinis. Ano bang nakain ng mga 'yon?

Nasa practice room ang mga lalaki at nagpa-practice pa rin ata. I admire their dedication sa kanilang work. Ever since their first flop, mas nag-seryoso at nagsikap silang lahat. Si Kuya Raven naman ay nasa studio at may pinag-uusapan daw sila nila Ms. Therese.

At ako? Nasa may balcony ako ngayon at nakahilata dito sa sofa. Ahh! Ang sarap ng walang ginagawa! Alam niyo 'yon... after a very busy schedule, ang sarap humiga-higa na lang at magpakatamad. 'Yan ang gusto kong gawin ngayon! Parang ang tagal na since the last time I have a time like this. Inunat ko ang aking mga bisig while naka-higa sa mahabang sofa. Hmm... this is life.

During this quiet moment, bigla na lang nasagi sa isipan ko si Skye. I heard natapos na rin ang nationwide tour nila. Kumusta na kaya siya? Kasama pa rin niya kaya 'yong babaeng unggoy? May relasyon ba sila? Hindi ba sinabi niya sa twitter niya na wala siyang girlfriend? Kung ganun, ano niya 'yon?

Napatingin ako sa kesami habang inaalala ang gabing 'yon. Nasa harap ko na nga siya pero parang ang layu-layo pa rin niya sa akin. Narinig naman niya ang mga awitin ko pero parang hindi naman niya naunawaan ang mga pinahihiwatig ng mga ito. Talaga bang kinalimutan na niyang naghihintay pa ako sa kanya?

Naalala ko ang paghalik niya sa labi noong babaeng unggoy at tila may kumurot sa puso ko. The last time we kissed, that was four years ago nang ihatid ko siya sa station. Paano niyang nagagawang makipaghalikan sa iba gayong hindi pa naman kami hiwalay? May kami pa ba kaya o dapat ko nang isiping hiwalay na kami? Hiwalay... Parang ang sakit-sakit isipin ang salitang iyon.

Napabungtong hininga ako.

I was in the middle of excruciatingly reminiscing the past with Skye nang biglang bumukas ang front door at isang malakas na sigaw ang aking narinig.

"Ohayou!" boses 'yon ni Ms. Rin ah!

Napabangon ako mula sa aking pagkakahiga at nagsilabasan naman ang mga boys sa practice room na pinangungunahan ni Kuya Calvin. Siguro nagtaka kung sino 'yong sumisigaw. Tumayo na rin ako't lumapit ako sa kinatatayuan nila.

"Ano 'yon?" tanong sa akin ni Ivan.

"Di ba si Ms. Rin 'yon?" ang sagot ko naman.

"Wala naman tayong naka-schedule ngayong araw, di ba?" pagtataka rin ni Hunster na nakasuot ng eyeglasses. Nagsusuot ba siya ng ganyan? Ba't parang hindi ko napansin dati?

"Sa pagkakaalam ko wala naman," sagot naman ni Kuya Calvin.

"Hmmm..." ang tanging sinabi ni Kuya Jasper.

"Baka may impromptu event tayo!" bulalas naman ni Ivan.

"Again? Pwedeng pahinga na muna tayo?" alma naman ni Kuya Calvin na napaupo sa may sofa.

"Good morning, everyone! Mabuti't gising na kayong lahat," nakangising sabi ni Ms. Rin na ngayo'y nakatayo na harapan namin.

Nakakapanibago ang tindig ngayon ni Ms. Rin. Nakasuot ito ng light pink na hanging blouse, naka-yellow shorts at simpleng flip-flops lang. Parang mas bumata ang hitsura niya ngayon compared to her usual get-up. Summer na ba? Hindi ba kakaumpisa pa lang ng -ber months?

Reaching SkyWhere stories live. Discover now