Kabanata 17

491 17 1
                                    

Lasing

Kinabukasan, wow, ang sakit ng ulo ko! Ugh... anong oras na ba? Tinignan ko ang oras sa cell phone ko, alas syete na. Kailangan ko ng bumangon at baka gutom na ang mga alaga ko.

Bumangon na ako sa kama at naghihikab pang tinungo ang banyo. Dala ko na ang towel at mga pampalit kong damit. Pagkabukas ko ng pinto, diridiretso na ako sa loob upang magsipilyo muna. Nang maharap ako sa salamin, bumungad sa akin ang isang mukhang punong-puno ng drawing.

"Ano 'to?!" Sigaw kong sabi sabay labas ng banyo't tinungo ang practice room. Nang papalapit na ako, bigla kong nakasalubong si Hunster.

"Hoy, Hunster!" Galit kong tawag dito. Sure akong siya na naman ang may gawa nito... naku, patay ka sa akin ngayon!

Tumingin ito saglit pero agad namang umiwas ng tingin.

"Ikaw na naman ang may gawa nito 'no?!" Tanong ko sa kanya.

"H-hindi ah! Tanungin mo na lang sina Ivan!" Ang sabi lang nito habang nagmamadaling bumaba patungong kusina. Anong nangyari doon?!

Binuksan ko ang practice room at gabundok na basura ang nagkalat sa buong silid. Tulog na tulog pa ang tatlo. Nakita kong nakahiga sa may platform si Ivan at agad ko siyang nilusong.

"Ivan!!" Sigaw ko rito sabay sapok sa kanyang hita, "Ivan!" Sigaw ko nang di siya nagising.

"O-oo...gising na. Gising na..." sabi lang nito pero nakapikit pa rin ang mga mata. Ngayon ko lang napansin na may mga drawing din pala ito sa kanyang mukha. May drawing siyang mga mata on top of his eyelids na parang nakadilat daw ang pikit nitong eyes. Meron ding nakasulat na 'I heart Polaris' sa may noo nito. Ano bang pinaggagawa nila kagabi? Pati tuloy ako nadamay.

Pinagmasdan kong muli ang buong silid. Grabe ang daming kalat! Sinong maglilinis nang lahat ng ito? Ako?! No, hindi pwede! Tumayo ako't tinungo ang drums. Kinuha ko ang mga nakatuwangwang lang na mga sticks at pagkatapos ay parang baliw na pinaghahampas ito sa mga cymbals.

"Gising na! Gising na kayo!" Aray, ang sakit pala sa tainga!

"Ano ba 'yan? Ang ingay naman! Natutulog pa ang tao, " reklamo ni Kuya Calvin sabay bangon nito.

"Hmmm..." parang narinig kong sabi ni Kuya Jasper habang kinukusot-kusot nito ang kanyang mga mata. Sa wakas tinggal na rin niya ang kabuki mask.

"Ami..." napansin kong nakagapang si Ivan sa sahig at nakatingala sa akin, "Mabibingi ako sa ginawa mo..." parang naiiyak na niyang sabi. Siya kasi ang pinakamalapit sa drums eh kaya ganoon na lang ang reaksyon niya.

"Gising na kayo?" Tanong ko sa kanila at umungol lang sila sa kanilang pagtutol, "Pwes, bumangon na kayo't linisin niyo na 'tong practice room kundi walang kakain sa inyo mamaya!" Sabi ko sabay hampas na naman sa cymbals at napa-cringe na naman sa ingay si Ivan.

"Ami...masakit ang ulo ko... hang over...." mangiyak-ngiyak na sabi nito.

Tinitigan ko siya nang masama at may kung anong nakakatakot sa mukha ko't bigla siyang natakot sa akin.

"Ayusin niyo na 'to bago ko matapos gawin ang almusal!" Sabi ko pa habang papalabas na ng silid.

"Ami, nagustuhan mo ba face art mo?" Narinig kong sabi ni Kuya Calvin at sabay silang napatawa.

Nilingon ko silang muli't binigyan ng 'papatayin ko ang may gawa nito' na titig at tumahimik rin sila. Tsaka ako lumabas na roon para makapagluto ng breakfast.

Pagkalabas ko ng room, muntik kaming magkabanggaan ni Kuya Bait na nagulat sa aking biglaang paglabas. Nang makita niya ang mukha 'to, napa-giggle siya 'tapos ay lumapit sa akin.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now