Kabanata 69

306 9 0
                                    

Hopeless

** Ami's POV **

Nasa isang club kami ngayon kung saan maraming mga taong nagsasayawan. Ang sabi ni Barbie Doll safe daw dito kasi mga tao lang from the high society ang pwedeng makapasok. Siyempre, hindi ko muna sinuot ang maskara ko. Baka may mga fans din si Skye dito't magkagulo pa. Buti na lang at hindi pa exposed ang mukha ni Ami.

Nasa table lang ako nakaupo habang sumisipsip sa inorder kong iced tea. Kasama ko rito si Kuya Jasper na abala sa hawak niyang IPad. Siguro ka-chat ang misis niya. 'Yan ang tunay na lalaki!

Sina Kuya Calvin at Ivan ay nakikipagsayawan na sa dance floor. At dahil sa magaganda silang lalaki, madali lang silang napalibutan ng mga naggagandang mga babae na kung makasayaw ay daig pa ang mga babae sa cabaret! Ganyan na ba talaga ang usong sayaw ngayon?

"Is that all you're gonna drink?" Napatingala ako sa disappointed look ni Barbie Doll na may dala-dalang dalawang glass na may lamang mixed drinks.

"This is a club, darling. You don't drink teas here. Here, take one." Sabi pa niya habang inaabot ang isa sa mga dalang glass na may pag-aalinlangan ko pang inabot.

I promised Hunster na hindi na ako iinom. Pagagalitan na naman ako noon-- hee... Ni wala na nga siyang pakialam sa akin ngayon, eto pa ang papansinin niya? Walang kiming uminom ako sa glass na dala ni Barbie Doll. Pwee! Ang tapang ng lasa! Nasasarapan sila nito?! Baka habang tumatagal lalong sasarap. Makainom nga ule.

"Hunter!" Muntik na akong mabilaukan sa kaiinom kung drink nang marinig ang bati ni Barbie Doll sa kararating lang na binata.

Sandali itong napasulyap sa akin at tulad ng dati'y agad na nag-iwas ng tingin. See? Wala siyang pakialam.

"I'm glad that you made it. Akala ko hindi ka na pupunta sa welcome back party ko." Sabi p ni Barbie Doll matapos bigyan ng peck sa cheek si Hunster.

Kailangan ba talagang may halik everytime na magkikita sila? Parang kanina lang 'yong nagkita sila sa condo kanina a!

"Pwede ba 'yon? Ang tagal na kaya nating hindi nagkita, papalagpasin ko ba naman 'to?" Nakangiti nitong sagot sa kaibigan.

Sh*t naman 'yang ngiti niya! Limited edition?! Nakaka-miss na ah.

Bigla akong nilapitan ni Barbie Doll para bulungan. Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang bibig. Nakailang shot na kaya siya?

"Will it be okay if we go and dance for a little bit?" Halos mabingi ako sa sigaw niya.

Wala sa isip kong minataan ang naghihintay na Hunster na iwas pa rin ng tingin sa akin bago ako hinarap mula ni Barbie Doll para sa sagot ko. Tipid ko siyang nginitian bago tumango. As if may magagawa pa ako. Nginitian niya ako saglit at lumapit na namang muli para bulungan ako.

"Just enjoy the drinks here and unwind, okay? If you want, you can join us at the dance floor."

Grabe. Kailangan ba talagang sumigaw? Dinig na dinig ko naman siya kahit bumulong lang siya. Nag two-thumbs up na lang ako at pagkatapos ay excited nitong hinila si Hunster papunta sa dance floor. Nakangisi lang siya habang sinusundan si Barbie Doll sa pagsayaw. Sh*t! Enjoy na enjoy talaga ano?!

Habang pinapanood ko sila sa pagsasayaw, panay naman ang inom ko sa mga inuming naka-serve sa table namin. Vodka ba 'yong nainom ko? Yuck! Ang tapang pa rin! Ugh! Napatingin na naman ako sa dance floor at nakita kong nag-i-intimate dancing na ang dalawa. Nakatalikod si Barbie Doll kay Hunster at nagsasayaw na tila may dinadama sa likod nito. Si Hunster naman ay nakahawak sa baywang nito at tila aliw na aliw sa ginagawa sa kanya ng kaibigan.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now