Kabanata 95

303 6 5
                                    

Maskara


Nagpalabas ako ng pilit na tawa habang marahang pinupunasan ang aking mga luha.

"W-wala ito!" Sabi ko pa sa kanila while trying to keep my voice steady. "Masyado kasing patawa sina Jun at Jam eh! 'Yan tuloy naluha ako! Hahahaha!" Tawa ko pa.

Pero lesheng mga luha! Ayaw talagang tumigil! Kailan pa nagkaroon ng sariling pag-iisip ang mga ito at lumalabas na lang nang kusa?

Biglang tumikhim si Stan na umagaw ng pansin ng mga kasama namin.

"Baka! At ipinusta niyo pa mga gitara niyo eh nagsasalitan lang naman kayo ng mga 'yan kung kelan niyo gusto! Anong kwenta ng pusta niyo?! Mga ul*l!" Bulyaw naman ni Stan sabay hagis ng kernel ng popcorn sa mga ito.

"Whoah! Stan's right! There's actually no point in betting our guitars when we can easily borrow from each other!" Nanlalaking matang sabi ni Jam.

"Deshou?" Patango-tangong sagot ni Stan.

"Whoah!" Bulalas naman ni Jun habang napapaatras na tila may bagong nadiskubrehan sa kanyang harapan. "Marunong ng mag-isip si Stan! Akala ko naalog na rin pati utak niya kaka-head bang with his drums! Sugoi!!" Nagsitawanan ang mga kasamahan nito habang si Stan nama'y nagpapaulan ng popcorn sa kambal.

Nasa tatlong nag-aasaran ang attention ng lahat nang lapitan ako ni Rin at dalhin sa isang sulok. Ikinulong ng kanyang mga kamay ang aking mukha at mataman akong tinignan sa mata.

"Rin, okay lang talaga ako. Promise! Sobrang natawa lang talaga ako sa mga sinasabi nina Kai kaya naluha ako." Pagpapaliwanag ko ule rito.

Pero 'tong lesheng gripo sa mata ko ay sira yata. Ayaw matigil eh! Hindi ko nga maitindihan. Hindi naman ako naiiyak pero panay pa rin ang buhos nila.

"Ano ba namang luha 'to oh..." Natatawa na talaga ako sa nangyayari sa akin.

Pagagalitan ako ni Therese nito eh!

"Ami. Ami, makinig ka." Aniya habang pinapahiran gamit ng kanyang mga hinlalaki ang mga luha sa aking pisngi.

Wala akong nagawa kundi ang manahimik at makinig sa kanya.

"You're not wearing the mask anymore. Heck, hindi mo naman talaga kailangan pang magsuot nang ganun ngayon!" Panay pa rin ang titig niya sa aking mga mata habang ako nama'y tumatango lang.

"You don't need to lie. Hindi mo na kailangang magkunwaring hindi ka nasasaktan. Ami, kung nasasaktan ka na, umiyak ka lang. Kung pagod ka na, sabihin mo. Wag mong pigilan. Wag mong itago. Maiintindihan ka naman ng mundo kasi... Tao ka lang. Nasasaktan. Nagkakamali. Umaasa. Nangangarap. Natatakot. Napapagod. Nagmamahal." Abot hanggang kaluluwa ko ang bawat salitang sinambit niya.

Parang switch na napindot, lumabas lahat ang mga damdaming matagal ko nang kinikimkim. Lahat ng mga hinanakit, pangangamba, pagsisisi at galit, lahat sila ay parang mga presong nakawala sa kani-kanilang mga selda at ngayo'y umaagos na sa aking mga mata bilang mga luha. Ramdam ko kaagad ang matinding kirot sa aking puso at hindi ko na napigilan pang mapahikbi. Kaagad naman akong ikinulong ni Rin sa isang mahigpit na yakap.

"Bakit ka pa nagtatago sa likod ng maskara, Ami, gayung alam mo na ang mga katotohanan tungkol sa lost love mo? Bakit kailangan mo pa ring magpanggap na wala kang alam? Ano bang kinatatakutan mo? Ang kaawaan ka niya?" Bigla akong napaisip sa kanyang mga sinabi habang pinipigilan ko ang sarili ko sa paghikbi.

Bakit nga ba? Ayaw ko lang ba talagang kaawaan ako ni Skye? Narinig ko na nga mula mismo sa kanyang bibig na hindi niya mahal si Sora. He just wanted to toy with her feelings, do her and he's done, drop her like a hot potato. Narinig ko na ring wala na ang dating pagmamahal niya para sa akin. Lahat ng mga kinakatakutan ko for almost 5 years of being far from him, naisampal na niya sa akin. He didn't have to lie kasi hindi naman niya alam na ako pala ito, 'yong babaeng pinili niyang kalimutan in exchange for his fame.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon