Kabanata 47

355 12 0
                                    

Next Time

** Ami's POV **

Natapos na rin ang gig at nasa likod na kami ng stage para mag-ayos at nang makauwi na. Iba talaga ang impluwensiya ni Hunster pagdating sa pagpeperform. Nagmistulang concert hall ang bistro ni Ms. JJ sa ginawa namin kanina. He was one explosive star ngayong gabi! To think pagod na siya nun galing sa photoshoot niya. At kahit nasa kalagitnaan ako ng kalungkutan, nakuha niya pa ring pasayahin ako. Minsan niya lang gawin 'yon sa akin, mas lage kasi niya akong sinusungitan, kaya hindi ko ikakailang na-touch ako sa ginawa niya. At least, nagawa niyang iwala nang saglit sa isipan ko ang nakita kong ginawa ng babaeng 'yon sa Skye ko. Biglang sumikip ang dibdib ko nang maalala 'yong sandaling 'yon. Skye... nagbago na ba ang puso mo? Nakalimutan mo na ba ako? Napabuntong hininga na lang ako sa naalala.

"Okay ka na ba, Sora?" biglang narinig kong tanong ni Ivan na napaupo sa ibabaw ng mesang katabi ko.

"Bakit naman ako hindi magiging okay, Ivan? Ang ganda-ganda ng takbo ng career natin, di ba? Halos mapaos na ang mga tao kahihiyaw sa atin kanina, nakita mo ba 'yon? Tapos nag platinum ba mga albums natin. Sinong hindi magiging okay doon?" Pagsisinungaling ko rito.

I can't tell him how hurt I am. Ayokong kaawaan nila ako. Ayokong sabihin nilang kinalimutan na talaga ako ni Skye. Hindi pa naman ako sumusuko. Alam kong somewhere in Skye's heart, mahal pa rin niya si Ami.

"Ami..." malungkot na bulong nito pero hindi ko na lang pinansin.

"O, madali ka na't baka pagalitan ka pa ni Kuya Bait. Kailangan na nating makauwi at may practice pa tayo," sabi ko na lang habang nagmamadaling inayos ang aking mga gamit nang biglang natanggal ang aking maskara't nahulog ito.

Pupulitin ko na sana nang biglang may naunang pumulot nito.

"Namamaga mga mata mo. Dapatan mo 'yan ng ice pag-uwi natin," narinig kong sabi ni Hunster habang hawak ang nahulog kong maskara.

"Wala 'to... babalik rin 'to sa dati," sagot ko sa kanya habang nakaiwas ng tingin.

Ramdam ko ang panginginit ng aking mga pisngi. After all, I cried on his chest a while ago na hindi ko naman gawain dati. I'm so ashamed at ganun ang inasta ko. He must've been so surprised when he saw me running like that pagdating niya from his photoshoot. Para akong batang talunan at walang ibang kayang gawin kundi ang tumakas.

"Naku, sana nga. Pag nagkataon, magiging kamukha mo na si Bubby," nakangisi nitong sabi. Naku... nakaamoy na ako ng pang-aasar nito...

"Sinong Bubby?" Tanong ko pa rin.

"Si Bubby... hindi mo kilala? 'Yong pet bubble eye goldfish natin?" nakangisi pa rin nitong sagot.

Pagkatapos ay he's making this face na tila ginagaya niya ang ginagawa ng pet fish niya. Hindi ako natawa at tinitigan ko lang siya with a face saying 'and then?' Nang mapansin niya ang reaction ko'y natigil na siya sa pang-aasar at noon ko lang hindi napigilan ang sarili ko sa pagtawa. Can you believe that? Master Hunter's making a strange face out of the blue?!

Ahahahahaha... kung sana'y may camera lang ako, ipopost ko 'yon sa instagram ko't siguradong magte-trending kaagad 'yon sa buong mundo! Wahahaha...

"Ang daming tawa mo," naaasar niyang sabi.

"Ikaw kasi eh... Bubby?" tawa ko pa rin.

"Good job, everyone!" biglang narinig naming sabi ni Skye na kapapasok pa lang.

Agad namang isinuot ni Hunster sa aking mukha ang maskara ko't tumayo upang harapin ang mga dumating na bisita.

"Oy, Skye!" narinig kong sabi ni Hunster, "How do you find the performance namin? Pasensiya na sa ginawa ko sa mesa niyo, a? Sana'y walang tumilapong inumin," sabi pa nito habang mabilis ko namang inayos ang aking maskara para makaharap na rin sa kanila.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now