Kabanata 28

766 44 2
                                    

Iyak


** Hunter's POV **

Nasa practice studio ako ngayon at naka-lie ang pisngi sa mga nagkalat na papel sa ibabaw ng mesa. Tiningnan ko for the nth time ang orasan sa wall.

10:45 na ng gabi. Wala pa rin si war freak. Haaaay...

Napaupo lang ako bigla. Bakit ko ba inaalala 'yon? Ano bang pakialam ko kung nasaan na siya ngayon? O kung kumain na ba siya? O kung sinu-sino mga kasama niya? O pauwi na ba siya? O baka nahold-up naman kaya? Grrr... ginulo-gulo ko ang aking buhok. Hindi ko na alam kung anong iisipin. Bakit ko ba kasi iniisip 'yong war freak na 'yon?!

Tiningnan ko ang mga blank na papel. Kailangan pa naming gumawa ng bagong kanta para may maitugtug ngayong Friday sa Bistro ni JJ. Sino si JJ? Naalala niyo 'yong skandalosang babae na umaway kay Calvin? Nasa chapter 8 ata 'yon. Check niyo nga! Ah basta, siya 'yon! JJ ang name niya - short for Jeneil Jane. Ang weird talaga ng name niya.

For a while na kasi na kumakanta lang kami ng covers ng songs ng iniidolo kong band - ang Dragons. And because it's been like 2 weeks na nakabandera ang TV commercial na successfully naming na-endorse, dumarami na ang dumadayo sa bistro ni JJ at naghahanap na ng mga bagong songs namin. Mas maganda nga 'to dahil dumarami na rin ang tumatangkilik sa musika namin. We need new songs to keep them reeling in. Nasaan na kasi 'yong war freak na 'yon eh! Two weeks na rin siya sinusolo noong Aya na 'yon. Akala mo kung sinong conservative na babae, mas tomboy pa pala 'yon kaysa kay war freak?! Tsk.. Sayang at type ko pa sana ang mukha niya.

Saan ba kasi sila nagpupupunta at lage na lang ginagabi nang uwi si war freak? Pag tinatanong ko naman siya, hindi naman sumasagot nang maayos. Kesyo pagod daw o kaya naman maaga pa daw sila kinabukasan. Natutulog na ngang suot-suot pa rin ang maskara ni Sora eh! Ano ba kasing pinaggagawa ng dalawang 'yon? Hindi kaya na-depress siya masyado sa nakita niyang inasta ni Skye kaya nagwawala na siya ngayon? Naku... hindi pwede 'to! Masisisira ang mga pinapangarap namin sa ginagawa niya! I have to stop her even if I have to stop her by force!

"Bye! See you tomorrow!"

Si war freak na ata 'yon! Agad kong inayos ang mga nagkalat na papel at inilapag sa harapan ko. At pagkatapos ay kumuha ako ng lapis na kunwari ay may sinusulat ako nang bumukas ang pinto ng studio.

"O, Hunster, nandito ka pa?" narinig kong tanong nito. Hindi ko siya nilingon para kunwari busy ako, "Hoy, naririnig mo ba ako?" tanong nitong muli na ngayo'y nasa tabi ko na. Parang amoy alak ata siya. Uminom ba sila sa labas? Takte naman! Di ba nag-promise na siya na hindi na siya iinom?

"Lasing ka na naman ba?" tanong ko sa kanya na ngayo'y nilalapitan ang mukha ko at parang may kung anong tinitignan dito. May muta ba ako?

"Hindi ako lasing. Nakainom lang nang konti," sabi nito matapos alisin ang kanyang paningin sa akin at naupo nang maayos, "Gumagawa ka ba ng bagong songs?" tanong nito bago kinuha ang mga papel sa harap ko't binasa, "Eh, wala namang nakasulat ah!" sabi pa niya habang hinahalungkat pa ang ibang mga papel, "Kunwari ka pang nagsusulat," dagdag pa nito bago inilapag nang muli ang mga papel.

"I was in the middle of my composition sa ulo ko. Bigla ka kasing dumating kaya nadisrupt tuloy ang train of thoughts ko," sagot ko sa kanya. Excuses... wala lang talaga akong ibang maisip kung hindi siya. Ugh, bakit ba kasi eh?!

"Anong klaseng song ang iniisip mo?" tanong nito, "Love song?" dagdag pa niya na tila nanunukso.

"Bakit naman ako gagawa ng love song?" mabilis ko namang sabi habang inaayos muli ang mga papel.

"Sige na... gawan mo ako ng love song," biglang paglalambing nito sa akin. Is she seducing me?! Hell... bakit naman ako natu-turn on sa nakainom na babaeng 'to?! Ahh.. erase!

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon