192. RAMDAM MO NA BA ANG LAMIG NG PASKO?

168 3 0
                                    

RAMDAM MO NA BA ANG LAMIG NG PASKO?

Buwan na ng Disyembre
Pero wala ka pa rin bang bebe?

Malamig na ang simoy ng hangin
Pero 'yong crush mo, wala pa rin sa'yong pagtingin.
Ops, joke lang, nagbibiro lang ako
Hindi rin naman ako gusto ng crush ko kaya same tayo!

Mag jacket na lang muna us
Pantawid lamig ngayong Christmas.

Teka, ramdam mo na ba ang pasko?
Kasi ako, ramdam ko na!
Eto uumpisahan ko na
Basahin mo ha?

Para sa mga magpa paskong iniwan diyan ng walang dahilan
May binibenta ako ditong letche flan
Sinisiguro kong mas masarap ito
Kesa sa mga pinangako niya sa'yo.

Pangakong ikaw lang at hindi ka iiwan
Pero ngayon pang sasapit na ang pasko, iniwan kang luhaan
Oh ano? Nganga?
Nabusog ka sa mga pangako niya
Pero ang tiyan mo, mukhang kinabag na.

Para naman sa mga Ldr kuno
'Yong kahit malayo, sila raw ay pinagtagpo
Pero ang ending, nauna pa ang break up
Kesa doon sa plano nilang meet up
-oh eto pansit, wag ka ng magalit
-kung pinagpalit ka niyan sa malapit.

Para naman sa mga walang label diyan
Pero nasobrahan sa ka-sweetan
Nauna pa 'yong aylabyuhan
Kesa sa mag-aminan ng nararamdaman.

Kasi kahit tapos na ang November 1
Baka bigla kang i-ghost niyan
Kaya, eto graham at palabok
Para kapag hindi na 'yan nagparamdam
Kainin mo 'yan habang ika'y nagmumukmok.

At syempre,
Para naman sa magpa paskong hindi pinili
Eto spaghetti, bibigyan na rin kita ng puto
Para mabawasan 'yong sakit diyan sa puso mo.

Kung hindi ka niya pinili, huwag mo na lang ipagpilitan
Kasi kapag pinilit mo pa, lalo ka lang masasaktan
Baka gusto mo rin ng salad?
Kainin mo 'yan para malimutan mo siya agad.











SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon