175. PAGSASAKRIPISYO

171 2 0
                                    

PAGSASAKRIPISYO

Saksi ang mismong aking katauhan
Kung paano ako lumaban
Sa kagustuhan kong huwag mo akong iwan
Pero lahat, may hangganan.

Lumaban ako
Kahit minsan, sakit lang 'din ang dulot nito
Lumaban ako
Paulit ulit akong lumaban, dahil mahal kita!

Kahit ilang beses akong nagmumukhang tanga
Kinakain ko ang sarili kong pagkahiya
Pero ikaw, paulit ulit mo lang niloloko
Paulit ulit tayo sa sitwasyong ganito.

Minsan, kinukwestyon ko ang sarili ko
Kung bakit andito pa rin ako
Kung bakit pinaglalaban pa rin kita
Kahit ang sakit sakit na.

Pero isa lang ang napagtanto ko
Na kung bakit, ganito ako sa'yo
Dahil mahal kita
Mahal kita nang sobra.

Pero ang dating pagmamahal
Takot na ako muli iyong isugal
Dahil sa paulit ulit na lang tayo
Naisasa-walang bahala ang aking pagsasakripisyo.

Para saan pa't ipinaglalaban kita?
Para saan pa ang pagpapahalaga ko sa'yo nang sobra
Kung ikaw na mismo ang gumagawa nang paraan
Para sukuan ka't tuluyan kang iwan.

Sa huling pagkakataon ng ating istorya
Hayaan mong sabihin ko sa'yong mahal kita
Ang pagsagot ko sa'yo noon ng matamis kong 'oo'
Nagtatapos sa pagsambit na 'tapos na tayo.'





SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon