87. TULA PARA SA MINAMAHAL KONG AMA

290 0 0
                                    


Miss ko na po ang boses mo
Miss ko na po ang mga ngiti mo
Miss ko na po ang mga tawa mo
Miss ko na po ang mga paglalambing mo.

Miss ko na po ang mga payo mo
Miss ko na po ang mga yakap mo
Miss ko na po ang mga biro mo
Miss ko na po ang lahat-lahat sa'yo.

Gusto kitang muling mahawakan
Sa totoong buhay; hindi sa mga larawan
Gusto kitang muling masulyapan
Hindi sa panaginip kundi dito mismo sa aking harapan.

Nakikiusap ako sa'yo
Magpakita ka kahit man lang ilang sigundo
Gusto ko lang mapagmasdan ang kabuuan mo
Gusto ko lang na makita ang saya sa mukha mo.

Nakikiusap ako, parang awa mo na
Kahit sandali lang, magpakita ka
Sampung taon na akong nangungungila
Hanggang ngayon, hinahanap-hanap ko pa rin ang iyong presensiya.

Hindi sapat ang pagdalaw mo sa aking panaginip
Kung saan ang mga ngiti mo, doon lamang sumisilip
Kung saan ang buo mong mukha ay may telang nakatakip
Kahit ngayon lang sana, ayoko muna sa panaginip.

Kahit ngayon lang, magpakita ka sa' kin
Marami akong tanong na kailangan mong sagutin
Marami akong mga bakit na ikaw lang ang makakasagot
Magpakita ka, pangako hinding hindi ako matatakot.

Kung magpapakita ka, pwede bang payakap?
Kahit sandali, pwede ba kitang makausap?
Kase hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap
Na wala ka na talaga sa hinaharap.

Payakap ako kahit man lang saglit
Kailanman hindi ako nakaramdam sa'yo ng galit
Ngunit pinaramdaman mo naman kung gaano kasakit
Sobrang sakit no'ng gabi na tuluyan ka nang pumikit.

Bakit? Bakit hindi ka lumaban?
Bakit mo kami biglang iniwan?
Bakit ang mga dasal namin, hindi mo pinakinggan?
Ang paghinga ay bakit mo biglang kinalimutan?

Bakit hindi mo minulat ang mga mata mo?
Bakit bigla ka na lang sumuko?
Bakit hindi mo nilabanan ang sakit mo?
Para saan ang luha na kusang tumulo sa mga mata mo?

Sabi mo, magpapatayo pa tayo ng bahay di ba?
Sabi mo, pagtatapusin mo kami sa pag-aaral di ba?
Paano na kami ngayon? Paano na si Mama?
Bakit kasi bigla ka na lang sumuko, Papa?

Maikling mensahe:
Umiiyak talaga ako habang sinusulat ko ito. Kahinaan ko talaga kapag ang usapan ay tungkol sa pamilya lalo na kay Papa.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon