177. BAKIT, AKO?

236 4 0
                                    


💛

     Hindi ko alam kung bakit
     Ako ang pinili mo
     Hindi ko maipilit
     Dahil bakit ako?

     Hindi ako kagandahan
     Hindi katangkaran
     Ilong ko'y di katangusan
     Kaya't bakit ako ang iyong nagustuhan?

     Pero dahil nangako ka
     Pinagkatiwalaan kita
     Hinayaan ko ang puso ko
     Na mas mahulog pa sa'yo.

     Hindi ako nag alinlangan
     Na mahulog sa'yo ng tuluyan
     Inalis ang takot na baka masaktan
     Pinagbigyan ko ang puso ko
     -Na ika'y makilanlan.

      -At heto ako, ngayon
     Hindi ako mangangako
     Pagkat ipaparamdam ko
     Hindi ako masalita
     Dahil mas gusto ko sa gawa.

     Kahit nasa malayo ka
     Hindi ako maghahanap ng iba
     Mahirap 'man kung paniwalaan
     Ito ay katotohanan.

     Hindi ako gagawa
     Ng ikasasakit mo
     Huwag kang mag alala
     Ikaw lang ang gugustuhin ko.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon