41. KUNG MAIBABALIK ANG DATING PANAHON

317 6 0
                                    

KUNG MAIBABALIK ANG PANAHON

Kung pwede ko lang
ibalik ang nakaraan
marami akong babaguhin
at iniwasan ko sana ang mga nagawa ko noon.

Sana hindi kita sinukuan
hindi kita iniwan
hindi kita binalewala
sana pinili kita at pinaglaban.

Alam kong marami akong nagawa
mga nagawang mali sa iyo
na araw-araw kong pinagsisihan
at ninais baguhin ang ating nakaraan.

Kung kaya ko pa sana
ibabalik ko ang panahon kung saan
hindi kita naipaglaban
na dapat hindi kita sinukuan.

Kung may tiyansa pa sana
ibabalik ko ang nakaraan
kung saan hindi ko sana hinayaan
na masaktan kitang lubusan.

Kung may oras pa sana
Ibabalik ko ang panahon na kung saan
Nagmaka-awa ka sa aking paglisan
Na dapat pala hindi kita iniwanan

Kung pwede pa sana

Napalitan ng mga matang luhaan
Dahil ang iyong mga kamay ay aking binitawan
Na dapat pala mas pinili kong kapitan.

Kung sakali,
Hihingi ako ng tawad mula sayo
Sa hindi ko pagtupad ng aking mga pangako
Sa iyong pagkasawi, dahil mas pinili kong lumayo
-sa mga gabing hindi ka makatulog dahil sa paglisan ko.

Kahit hindi ka manatili, akoʼy mananatili parin
At handa akong harapin at ng lahat ng iyong sasabihin.
Pusong pighati, alam kong galit ka sa akin
Ngunit ako ay nandito parin
M

ahal, ang poot sa iyong puso ay hayaan mong aking pawiin.

Alam kong hindi madali
Lahat-lahat ay aking tatanggapin
Handa ako kahit akoʼy iyong paluhurin
Mahal, basta ako lamang ay iyong patawarin.

Pagmamahal na nabali
Pipilitin kong ibalik at muling itatayo
Itatayo parin ang alaala kung saan at paano
Nabuo ang dating tayo.

Kung maibabalik ko lang ang panahon
Ang pagsuko sa iyo ay isa sa mga maling nagawa ko noon
Hayaan mo sana akong bumawi ngayon
Mahal, humihingi ako ng isa pang pagkakataon.

Mahal, pinagsisisihan ko iyon ng lubusan
Kung muli mo sana akong bibigyan
Ng pagkakataon, babawi ako sa aking mga kasalanan
Sa ginawa kong paglisan, handa ko itong punan at mamahalin ka ng lubusan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon