112. MAGHIHINTAY PARIN

154 1 0
                                    

MAGHIHINTAY PARIN

Mula ng aking masilayan
Tinataglay mong kagwapuhan
Di na maawat ang pusong ika'y magustuhan
Laman ka ng puso't-isipan sa tuwing ika'y nasisilayan
Pag-ibig ko, sana ay maramdaman.

Bakit ba pinukaw mo
Ang puso ko
Na natutulog lang noon
Ngunit ang pangalan mo
Ang isinisigaw nito mula ngayon.

Ayaw ng paawat ng aking damdamin
Patuloy kang mamahalin
Sana'y hayaan mong mahalin kita
Maghihintay hanggang sa makasama ka.

Labis ang saya kapag ika'y kasama
Hindi mo ba iyon nahahalata?
Mukha mo ay parang anghel na binaba sa lupa.

Laman ka ng puso't-isipan sa tuwing ika'y aking tinititigan
Di na kita maiiwasan
Sana'y pag-ibig ko ay pakiramdaman.

Bakit ba pinukaw mo
Ang puso kong natutulog lang noon
Ngunit ang pangalan
Ang sinisigaw nito mula ngayon.

Ayaw ng paawat ng aking damdamin
Patuloy kang mamahalin
Sana'y aking hiling iyong dinggin
Pakiusap sana, ako'y saluhin.
Maghihintay parin at aasa.

Sa pag-ibig ko na nga'y di na mapigilan
Nais ko lang na malaman mo
Na minamahal kita

Bakit ba pinukaw mo
Ang puso ko
Na natutulog lang noon
Ngunit pangalan mo
Ang isinisigaw nito mula ngayon

Ayaw ng paawat ng aking damdamin
Patuloy kang mamahalin
Sana'y hayaan mong mahalin kita
Maghihintay parin at aasa.

Para kang anghel na binaba sa lupa
At sa akin ay ikaw ang naka-tadhana
Magsasama tayo hanggang sa ating pagtanda.

———

This spoken is dedicated for song a Bakit Ba Ikaw by Kuya Michael Pangilinan:>

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon