37. 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚

454 9 0
                                    

HANGGANG DITO 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚

Ito ang araw na mawawalan ako ng pake sa iyo
Ipapakitang kaya kong wala ka sa tabi ko
Ipapamukha ko na hindi ikaw ang kawalan dito
Dito sa relasyon natin na kailan man ay hindi na mabubuo.

Tama na, ayoko ng magsakripisyo
Nakakapagod magtiis sa bagay na hindi mo kayang iseryoso
Nakakawalang gana dahil parang wala lang ako sa'yo
Na para bang wala kang pakealam sa relasyong sabay nating binuo.

Kaya hanggang dito na lang, tama na
Hindi ko na kayang ihakbang ang aking mga paa
Puputulin ko na ang bawat ating alaala
Ihihinto ko na ang binuo nating pagsasama.

Hanggang dito na lang, patawad
Patawad kung ang mga pangarap natin ay hindi ko na matutupad
Alam ko namang kayang kaya mo ang sarili mo
Na hindi ako ang kasama mo sa hinahangad
Hinahangad ang katotohanang hindi na tayo
Na hindi na tayo katulad nang dati kung ating ihahalintulad.

Hanggang dito nalang, ayoko na
Ayoko ng umiyak gabi-gabi kung saan hindi mo napupuna
Paano mo nga naman mapupuna kung pati pagtingin sa akin ay hindi mo’na nagagawa?
Nasaan na ang dating makulay na ating pagsasama?

Hanggang dito nalang, isang nakaraan
Nakaraan ang matagal na syang ating pinagsamahan
Isang ala-alang hindi ko malilimutan
Na kahit puro pasakit lang ang aking nararanasan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon