65. SUMBAT

222 4 0
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko
Dapat bang mabuhay pa ako?
Gayo'ng 'yong taong mahal ko
Kinuha niyo!

Bakit siya pa?
Bakit 'yong taong mahal ko pa!
Bakit siya pa 'yong kinuha niyo?!
Bakit niyo kinuha 'yong taong mahal ko!

Ayaw niyo ba akong maging masaya!
Ayaw niyo ba akong makitang masaya!
Ipinagkait mo sa' kin 'yong kasiyahan
Na sa kanya ko lang nararamdaman!

Naging mabuti naman akong tao di ba?
Hindi naman ako gumagawa ng masama
Kaya bakit ganito ang ginawa mo?
Bakit mo kinuha sa' kin 'yong taong mahal ko!

Gusto mo bang makita na miseramble ako!
Gusto mong makita na nagdurusa ako!
Heto oh! Ano, masaya ka na?
Masaya ka ngayon na makita akong nag-iisa?!

Siya na lang kasi ang meron ako
Siya lang kasi 'yong tumanggap sa' kin ng buo
Siya lang 'yong taong hindi  hinusgahan ang pagkatao ko
Siya lang 'yong nagparamdam sa' kin na kamahal mahal din ako.

Pero wala na siya
K

Wala na yung taong nagparamdam sakin na mahalaga ako
Wala na yung taong nagparamdam sakin na minamahal ako ng todo
Wala na yung taong minahal ko ng sobra-sobra pa sa sarili ko
May dahilan pa‘ba para mabuhay ako sa mundo?

Pinagkaitan nyo ako kung paano muling maging masaya!
Kaya eto ako ngayon! Mag-isa at nagdurusa!
Nagdurusa sa pagkawala ng taong kinuha nyo mula sa akin, tama?
Kinuha nyo sakin ang taong nagbigay muli sa akin para maging masaya!

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon