21. PAREHO NG NARARAMDAMAN NGUNIT WALANG NAMAMAGITAN

568 17 0
                                    

PAREHO NG NARARAMDAMAN NGUNIT WALANG NAMAMAGITAN


Gusto kita, gusto mo rin ako
May naging tawagan tayo
Sabay tayong nangako
Nangakong walang magbabago.

Alam ang account ng isa't isa
Ang nadarama natin ay iisa
Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya
At ako naman ang bumubuo sa iyong umaga.

Araw araw tayo kung magkamustahan
Puro tawanan, kwentuhan at biruan
Yung mga makamandag mong linyahan
Kaya naman ang kiligin ay hindi ko maiwasan.

Mistulang social media
Ang sagot para tayo ay magkausap ng masaya
Dahil hindi natin mahawakan ang isa't isa
Dahil sa isang Group Chat lang tayo unang nagkakilala.

Ngunit ako ay nababahala
Pagkat ang nararamdaman ay lumalala
Lumalala at mukhang hindi na ako makakawala
Kailangan kong pigilan ngunit parang hindi ko kaya.

Alam na alam ko ang limitasyon ko
Dahil hindi naman ako pwedeng magreklamo
Dahil lahat ito ay naaayon sa ginagawa mo
Ang alam ko lang ay ang salitang wala namang tayo.

Oo, walang namamagitan sa ating dalawa
Na kahit gusto mo ako at gusto kita
Na kahit nagbigayan tayo ng account sa isa't-isa
Walang salitang tayo at alam ko kung bakit wala kang magawa.

Pero pwede naman siguro
Na makaramdam ako ng selos, diba?
Sa mga babaeng iyong nakakasama
Kapag mag a-upload ka ng pictures mo with barkada.

Pwede rin naman siguro akong magtampo
Sa tuwing late ang bawat mga replies mo
Pwede rin naman siguro
Na palihim na umiyak sa tuwing nasasaktan ako.

Nakakaramdam ako ng pagod, minsan
Kase hindi ko talaga maintindihan
Na kung bakit pareho naman tayo ng nararamdaman
Bakit ang ikaw at ako ay walang namamagitan?

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon