147. BATANG INA

482 0 0
                                    

BATANG INA

Sa isang iglap ang pangarap ko ay nawala
Mga pangarap ko'y naglaho na parang bula
Mga sandaling hindi na maibabalik pa
Na siya'ng ikinasisisi ko ngayon ng sobra.

Para saan pa ang pagsisisi kung wala na?
Kung wala nang magagawa ang pagluha
Nabigo ko ang sarili kong pamilya
Dahil sa pagkakamali ko'y naging problema ako sakanila.

Ang tanging kaisa-isa nilang pangaral
Na dapat munang atupagin ay ang pag-aaral
Huwag raw munang atupagin ang magmahal
Sa pag-aaral, iyon raw ay ang malaking sagabal.

Ngunit 'di ko sinunod ang kanilang utos
Sa pagmamahal, ako'y naging padalos dalos
Ang magkaroon ng nobyo, ito'y isang sikreto
Alam kong mali ngunit ito'y aking itinago.

Patago akong pumasok sa isang relasyon
Kahit ito'y isang malaking obligasyon
At sa sobrang pagmamahal ko sa taong iyon
Naibigay ko ang sarili ko, kaya ngayon.

Kaya ngayon, hindi ko na alam ang gagawin
Pamilya ko ay galit na galit na sa akin
Wala akong mukhang maiharap sakanila
Sumabay pa na ang nobyo ko'y hindi ka nagpapakita.

Sa isang gabing pinagsaluhan naming dal'wa
Na sya'ng kailangan kong harapin lahat ng mag-isa
Ang sarili'y hindi ko kayang ipagtanggol
Sa resultang ang tiyan ko ay may laman ng sanggol.

Kasabay ng galit sa'kin ng pamilya ko
Ay sya 'ring paglaho nang aking nobyo
Sumabay pa ang mga pangarap ko'y gumuho
Saan na ako pupulutin ng pagkakamali ko?

Hindi pa ako handang maging isang magulang
Bilang 'sang anak, marami akong pagkukulang
Ang hindi pagsunod sa mga pangaral nila
Kung kaya't ikibinagsak ko ngayon ng sobra.

Ngunit maswerte pa rin pala ako
Dahil muli akong tinanggap ng pamilya ko
Magiging maayos raw ang lahat, ang sabi ni Mama
Hindi raw nila ako pababayaan at ang magiging apo nila.

Sa pangalawang pagkakataon
Hindi hindi ko na sila susuwayin ngayon
Makikinig na ako sa kanilang mga pangaral
Dahil para sa'kin rin iyon at magbibigay aral.

Sa edad na labin-anim, ako ay naging batang ina
Resultang hindi ko pagsunod sa'king pamilya
Kailangan ko sya'ng itaguyod kahit walang Ama
Para sa'king anak, ang mali ay gagawin kong tama.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon