165. TRABAHO MO O ANG TAYO?

87 1 1
                                    


TRABAHO MO O ANG TAYO?

Mahal mo ako, hindi ba?
Sabi mo, susuportahan natin ang isa’t isa
Mga pangarap nating dalawa
Ay tutuparin natin ng magkasama.

Ngunit ngayon, pilit mong inilalagay ako
Sa sitwasyong sobrang komplikado
Bakit kailangan mo akong pahirapan ng ganito?
Akala ko ba suportado natin ang isa’t isa, pero ano ito?

“Trabaho mo o ang tayo”
IYan ang katagang sinambit mo
Bakit kinailangan mo pang papiliin ako?
Pareho namang mahalaga, ikaw at ang magiging trabaho ko.

Hindi ba pwedeng piliin mo na lang na maging masaya?
Dahil sa wakas, ang matagal kong pangarap ay matutupad na
Tanging pag sang-ayon mo na lang ang kulang
Ngunit bakit ngayon, ikaw na mismo ang humahadlang?

Kung ang pangarap ko ay maisasakatuparan
Maiaahon ko ang pamilya ko sa kahirapan
Mas matutustusan ko ang kanilang pangangailangan
May posibilidad na gumanda ang kanilang kinabukasan.

Kaya kung ang kagustuhan mong ako ay pumili
Hindi ko nanaising maging makasarili
Ang pangarap ko ay hindi lang para sa sarili ko
Kundi para rin sa pamilya ko at maging sa'yo.

Kaya bakit kailangan mo pa akong papiliin?
Kung ang trabaho ko ba o ang relasyon natin?
Mahal mo ba talaga ako? Dahil kung mahal mo akong talaga
Susuportahan mo ako sa pangarap ko at magiging masaya ka.

Pero imbis na ang kalagayan ko ay maintindihin mo
Mas nanaig pa rin ang kagustuhan mong papiliin ako
Mahal kita pero kailangan din ako ng pamilya ko
“ANG TRABAHO KO!”

Ang senyales ng pagsakay ko sa eroplano
Ay ang pagtatapos ng tayo.

Kung mahal mo ang isang tao, huwag mo siyang ilagay sa sitwasyong kailangan niyang mamili kung ikaw ba o ang pangarap niya bagkus wala kang ibang gagawin kundi ang suportahan siya sa isang bagay na alam mong ikasasaya niya.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon