138. UNKNOWN TITLE

199 1 1
                                    

Alam kong nasasaktan ka
Hindi ko ’man alam ang buong istorya
Hindi ko ’man kabisado ang iyong nadarama
Ngunit isa lang ang payo ko, wag kang mandadamay ng iba.

Oo, ang sitwasyon mo ay naiintindihan ko
Na nasasaktan ka pati ang iyong puso
Na niloko ka ng lalaking pinakamamahal mo
Ngunit bakit nilalahat mo ang lalaki dito sa mundo?

Iisang tao lang naman ang dahilan
Kung bakit ka ngayon nasasaktan
At kung bakit ka nagkakaganyan
Pero bakit mo dinadamay ang mga lalaking wala namang kinalaman?

Na porket, niloko ka ng lalaking minahal mo
Idadamay mo’na ang mga lalaki sa mundo?
Na kesyo, lahat sila gago at manloloko?
Na kesyo, hindi sila marunong makuntento?

Iisang tao lang naman ang nanakit sayo!
Iisang tao lang naman ang sayo’y nanloko!
Isang tao lang naman ang sinaktan ka at ginago!
Bakit kailangang mandamay ka’pa ng ibang tao?

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon