123. ISANG ARAW LANG?

126 1 0
                                    




ISANG ARAW LANG?

Akala ko sabi mo walang magbabago?
Walang magbabago dahil pinangako mong ikaw sa akin ay seryoso
Ngunit bakit bigla kang sumuko na hindi ko alam kung bakit at paano?
Paano na ang pinangako sa isa't-isa na abot hanggang dulo?

Akala ko ba mahal mo ako?
Mahal mo ako pero bakit umayaw ka sa sitwasyon na ito?
Bakit mas pinili mong iwan ako kahit mahal mo ako, ano bang nagawa ko sayo?
Ano bang nagawa ko para ganituhin mo?

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa binigay mong dahilan
Wala naman akong reklamo kung patago muna ang ating pagmamahalan
Hindi naman ako perpekto para hindi ko yun maintindihan
Pero bakit wala pang isang araw agad mo akong binitawan?

Hindi ko alintana ang layo sa ating pagitan
Gusto ko lang naman maging masaya at ikaw mismo ang dahilan
Ngunit ngayon, wala na hindi na tayo dahil hindi ka lumaban
Ano ba naman yung sana ninais mong ako'y hawakan.

Sana hindi ka nalang umamin ng nararamdaman mo
Sana hindi mo sinabing mahal mona ako
Sana naduwag ka nalang at hindi nagsabi ng totoo
Kase pinaniwalaan kita, dahil gusto din kita kahit wala pang isang linggong nagkakilala tayo.

Wala nang makaka-appriciate sa mga gawa kong tula
Hindi na matutuloy ang balak nating makabuo ng verse na hindi pa nagsisimula
Wala nang magsasabi na mag-iingat ako at araw-araw na mangangamusta
Hindi na lilitaw ang pangalan mo sa messenger ko dahil ako'y sini-seen mona.

Nangako kang magtatagal, ngunit wala pang isang araw
Na agad kang umiwas saken at biglaang bumitaw
Bumitaw sa mga matatamis na salita na ginawa mong mga tula ay parang uhaw
Uhaw sa mga presensya mo na hindi ko alam kung bakit ka umayaw.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon