187. 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗧 𝗞𝗔 𝗔𝗧 𝗟𝗨𝗣𝗔 𝗔𝗞𝗢

115 1 0
                                    


Mistulan akong hangin
Sa iyong paningin
Sa tuwing mga mata nati'y magtatama
Ramdam ko ang galit na nais mong ipadama.

Naiintindihan ko
Kung saan nanggagaling ang galit mo
Pero intindihin mo rin sana ako
Sa sitwasyon natin ngayon, hindi ko ito ginusto.

Ayos lang kung magalit ka
Dahil may karapatan ka naman talaga
Pero may karapatan rin naman ako
Karapatan mong pakinggan ang paliwanag ko

Sa tingin mo ba
Ginusto ko ang saktan ka?
Sa tingin mo ba, ginusto ko ito?
Na magkasakitan tayo?

Hindi lang ikaw ang nahihirapan
Hindi lang ikaw ang nasasaktan
Alam mong ilang beses kitang pinaglaban
Hindi ako napagod sa tuwing pilit nila tayong pinaghihiway

Alam naman natin pareho
Na hindi ako gusto ng pamilya mo
Noong una pa lang
Alam natin na sila'y hadlang.

Patawad,
Kung sinunod ko na lang ang kagustuhan nila
Na layuan kita
Kaya nga hindi ko kinukwestyon ang galit mo
Pero sana, maisip mong ginawa ko 'yon para sa'yo.

Patawad,
Kung napagod ako
Na ipaglaban ang tayo
Patawad kung nagpadala ako sa takot mga magulang mo.

Alam mo kung anong mas masakit
Na kahit pilitin man nating ipilit
Hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa
Dahil langit ka at lupa, yan ang sinasabi nila.

Patawad,
Kung nagpadala ako sa mga sinasabi nila
Pero alam mong mahal kita
Mahal kita pero tama na.

Kung muli 'man tayong pagtatagpuin
Sana mahal pa rin natin ang isa't-isa
Sana mahal mo pa rin ako
Dahil ako, pinapangako kong mamahalin kita hanggang sa dulo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon