170. BAKIT PINASAYA MO AKO, KUNG IBA PALA ANG GUSTO MO?

122 2 0
                                    

BAKIT PINASAYA MO AKO KUNG IBA PALA ANG GUSTO MO?

Wala nang mapaglagyan ang kilig
Ang ating mga usapan
Na tila’y tunay itong pag-ibig
Na hindi natin kinatatakutan.

Walang humpay na biruan
Walang tigil sa mga linyahan
Na animo’y nagmamahalan
Pero totoo’y ako lang naman.

Inaamin kong may saya
Masaya akong nakilala kita
Ngunit may kaba na nagbabadya
Sa aking puso—ito'y dala-dala.

Gustuhin ka'y hindi ko napigilan
Nalilito—aamin ba nang nararamdaman?
Takot 'pagkat baka ako ay iyong iwasan
Kaya ako ay rin nag-aalalangan.

Ngunit—umamin ako sa'yo
Katagang ‘Gusto kita’
Nasaktan sa itinugon mo
‘Pasensya na, may gusto akong iba.’

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon