150. PANGINOON, AMING SANDATA

153 1 0
                                    

PANGINOON, AMING SANDATA
Sulat ni: Alyssa Eleazar Magapi
PN: WOMANunulat

“Ang magpa-salamat sa Diyos ay
isang malaking bagay para sa kanya.”

Panginoon, kami’y iligtas mo
Pagtibayin ang mundo
Tapusin ang krisis na ito
Kailangan ka nang mga Pilipino.

Panginoon, kailangan ka namin
Aming mga panalangin
Nawa’y iyong dinggin
Aming mga kamay ay iyong abutin.

Panginoon, turuan mong ngumiti
Muli ang aming mga labi
Punasan mo ang mga luha
Sa aming mga mata.

Dala nang paghihirap
Sa aming kinahaharap
Bigyan mo nang lakas
Ang mundo ng Pilipinas.

Panginoon, ikaw ang sandata
Sagot sa mga problema
Kami’y tulungan mo
Tulungan mo kaming malagpasan ang lahat nang ito.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon