35. MAHAL KITA, PERO MAY MAHAL KA NANG IBA

686 10 0
                                    

MAHAL KITA, 𝗡𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧 MAY MAHAL KA NANG IBA

Ano bang dapat na gawin ko?
Para mawala itong nararamdaman ko para sa iyo?
Alam ko naman kasing mali ito
Mali na mahalin ko ang katulad mo.

Kailan ba ako matatauhan
Na hindi mo ako pwedeng mahalin
Kailan ba dapat ako hindi masaktan
Gayo'ng hindi mo ako maaring piliin.

Lalaya na ba ako sa pagmamahal na aking nararamdaman?
Mahal kita at alam kong hindi mo iyon masusuklian
Yun ang katotohanang gusto ko nang wakasan
Tama na ba ang ilang beses akong nasaktan ng hindi mo nalalaman?

Mahal kita, mahal kita
Mahal na mahal kita
At sobrang pagmamahal ko sa'yo
Nagmumukha na akong tanga!

Pero katangahan ba na mahal kita?
Kahit alam kong may mahal kang iba
Para akong tanga na umaasa
Parang tanga na umaasa sa wala!

Tama pa 'bang mahalin kita?
Kahit alam kong meron ng sya?
Ititigil ko na ba ang pagpapantasya?
Dapat na nga ba akong dumistansya?

Kase nakikita ko sayo'ng mga mata
Na sakanya ka talaga sumasaya
Na hindi ko 'man lang makita
Kapag ako na ang iyong kasama.

Mahal kita pero may mahal ka ng iba
Mahal kita pero masaya ka na kasi sa kanya
Mahal kita, paulit ulit kong binigbigkas kahit masakit
Baka sakaling matauhan ako na hindi mo ako kayang mahalin, pabalik.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon