96. TULA PARA SA IDOLO KONG SI JROA

164 2 0
                                    


TULA PARA SA IDOLO KONG SI JROA

Ang piyesang ito ay para sa iniidolo ko
Sa mga kanta nya na napapakalma ako
Sa mga kanta nya na tila sa aki'y konektado
Maging sa Ginoong sinaktan ako nang todo.

Sisimulan ko na,
Sa tuwing nababalutan ako nang kalungkutan
Kanta nya lang ang tangi kong pinakikinggan
Boses nya na sa aki'y nagpapakalma
Na para ba'ng pinaalalahanan nya ako na dapat laging masaya.

Ang boses nya ang hinding-hindi ko pagsasawaan
Bagkus mas lalo ko pa nga itong kina-aadikan
Ito ang ginagawa kong lakas araw na dumaraan
Boses nya ang nagsisilbing kausap ko sa t'wing ako'y pinanghihinaan.

Halos lahat ng kanta nya ay pawang sa aki'y apektado
Na para ba'ng kinakanta nya ito sa harapan ko
Sa bawat linya'y halos tumatagos sa aking puso
Ramdam ko na parang ako ang pinatatamaan nang mga ito.

Katulad na lamang nito,
“Okay lang ako, wag kang mag-alala”
Linyang sa akin ay hindi tumatabla
Iba ang binibigkas ng labi ko kaysa sa'king mga mata
“Hindi ako okay, kaya sana mag-alala ka.”

Kapag ba sinabi kong hindi ako okay, may magagawa ba sya?
O may gagawin nga ba sya, di ba wala?
Kaya kahit hindi naman talaga ako okay, wag sya'ng mag-alala
Kaya ko ang sarili ko, kakayanin ko kahit na wala sya.

Ang tanong nya akin na,
“Pwede ba nating maibalik ang dati”
Tanong na alam kong hindi naman na maaari
Paano namin ibabalik ang dati kung iba ang kanyang pinili?
“Hindi na pwedeng ibalik ang dati, ayoko nang magsisi.”

Ang dati na kung saan masaya kaming dalawa
Tipong kinaya naman namin ang mga problema
Ngunit lito sa mga nangyayari kung bakit nga ba winakasan ang pagsasama
Pero tulad kanina, wag sya'ng mag-alala kasi naiintindihan ko ang rason nya'ng paghingi nang distansya.

Mga pangako nya na,
“Hawakan mo ang kamay ko, at lilipad tayo saan mo man gusto”
Ngunit 'nung hinawakan ko na ang kamay nya, bigla sya'ng lumayo
Kasabay 'nun ang dating mabilis na tibok ng puso ko ay biglang huminto
“Hindi ko na hahawakan ang kamay nya para hindi na ako masaktan ng todo.”

Sabi nga sa kasabihan 'kapag masaya ka ngayon, magiging malungkot ka bukas'
Pero bakit parang yung lungkot ko wala ng wakas?
Bakit hanggang ngayon yung lungkot ko wala paring kupas?
“Kaya pala ansaya natin kagabi, kase magbabago ang lahat sa isang iglap at hindi na ata ako makakatakas.”

“Pangit ba ako sa iyong paningin?”
Tanong ng aking isipan habang nakatitig sa repleksyon ng salamin
Ayoko nang yan sakanya kasi
“Alam kong panget ako, kaya nga naghanap sya nang iba."

“Di baleng may iba, basta mahal kita”
Kahit mahal mo sya, mahal pa rin kita
Pero minsan nakakapagod din pala
“Kahit pala mahal kita, nasasaktan parin ako ng sobra.”

Halos lahat ng kanyang kanta ay pawang konektado sa aking sitwasyon
Boses nyang inililipad ako sa kakaibang klase ng imahinasyon
Isa sya sa mga dahilan kung bakit hindi ako nawawalan ng inspirasyon
Nakagawa ako ng isang tula para sa lalaking matagal ko nang hinangaan at sana sa paraan na ito ay matuunan nya ako ng kahit kaunting atensyon.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon