9. UNANG PAG-IBIG

1.5K 30 0
                                    

UNANG PAG-IBIG

Sa edad kong labin dalawa
Ang tahimik kong buhay, biglang nag iba
Buong pagkatao, tila'y nagkaroon ng hiwaga
Simula no'ng makilala ka.

Bumilis ang tibok ng puso
Mga galaw, tila'y huminto
Sa tiyan ay parang may paru-paro
Ano itong nadarama ko?

Hindi maipaliwanag ang kaba
Pagkat ngayon ko lang ito nadama
Sapo ang dibdib at nagtataka
Bakit ganun ang nararamdaman ko kapag nakikita kita?

Ipinaalam ko iyon kay Mama
At halos ako ay mapanganga
Sa mga sinasabi nya'y hindi makapaniwala
Ako raw ay umiibig na.

"Umiibig, ano 'yon?" bulong ko
"Bumilis ba ang tibok ng puso mo?"
Kaya naman mabilis akong tumango
"Ibigsabihin lang n'yan, siya ay nagugustuhan mo."

Ako'y naguguluhan
Pagkat ang ganitong usapan
Ay hindi maintindihan
Siya ay aking nagugustuhan?

At dahil gusto ko rin na malaman
Sarili'y inobserbahan
Sarili'y pinakiramdaman
Kapag ikaw ay nariyan.

No'ng muling nasilayan ka
Hindi ko maipaliwanag ang nadarama
Labis-labis ang aking saya
Saya na hindi mapapantayan ng iba.

Hindi maitago ang ngiti
Na kumukurba sa aking labi
Namumulang mga pisngi
At palihim na tumitili.

Halos ako'y panghinaan
No'ng bigla mo akong ngitian
Biglang napaiwas sa kahihiyan
Teka, ano itong aking nararamdaman?

Tama nga ba ang mga sinabi ni Mama?
Talaga bang gusto na kita?
Ganito pala kapag nagdadalaga na
Hindi maiwasan ang ganitong eksena.

Binibigyan ako ng mga payo ni Mama
Dahil bago pa lang daw ako sa ganitong eksena
Dapat balanse daw ang aking nadarama
Para hindi raw ako masaktan ng sobra.

Unang pagka gusto sa isang tao
Kilig at saya ay agad na naranasan ko
Sa unang pagtibok ng aking puso
Siyang una ko ring pagluha at pagkabigo.

Sa unang pag-ibig na aking naranasan
Na kahit ilang taon na ang nagdaan
Ito ay sariwa pa rin sa aking isipan.
Unang aking pag ibig, sa ala-ala'y paulit ulit kong binabalikan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon