117. NAGMAHAL, NASAKTAN AT HINDI MAKAMOVE-ON

135 1 0
                                    

NAGMAHAL, SAKTAN AT HINDI MAKA MOVE-ON

Ilang taon na nga ba ang nagdaan?
Noong panahon na kung saan
Biglaan mo akong iniwan
Iniwang wala man lang dahilan.

Ilang taon na ang nagdaan
At ginawa ko na rin ang lahat ng paraan
Upang ikaʼy aking makalimutan
Upang makalimot na sa ating nakaraan.

Kailangan na kitang kalimutan
Maging ang matagal nating pinagsamahan
At sa kung paano at saan tayo nagkakilanlan
Ang kalimutan ka ay sa paanong paraan?

Kailangan at dapat na kitang kalimutan
Dahil kahit balikan ko pa ang ating nakaraan
At sa mga gabi na parati pa rin kitang iniiyakan
Alam ko naman na wala na iyong patutunguhan.

Gusto ko ng makalimutan ka
Dahil ang sakit sakit na
Ang sakit na at hindi ko na kaya
Pero saan at paano ako magsisimula?

Paano ako makakapagsimula?
Kung ang lahat lahat ng ating mga ala-ala
Ay kapwaʼy sa isipan at puso ko ay sariwa pa?
Ilang taon na ang lumipas pero bakit mahal pa rin kita?

Mahal pa rin kita
Mahal na mahal ng sobra
Tanga na kung tanga
Na kahit nasaktan mo ako ng sobra, ikaw pa rin talaga.

Hindi ka pa rin mawala sa aking isipan
Ilang beses ko mang tanggihan
Umaasa pa rin na ako'y iyong balikan
Tanga na ba ako dahil hindi pa rin kita makalimutan?

Para akong ibon na inilagay sa kulungan
Kung saan ang ating mga nakaraan
Ay hindi ko magawang takasan
Wala akong makitang daan para lusutan.

Nagmahal lang naman ako
Minahal kita todo
Kase akala ko, tayo na hanggang dulo
Pero pati ikaw, nakiuso
Sa kasabihan na lahat ng tao, nagbabago.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon