45. 𝗞𝗔𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗢 𝗚𝗨𝗦𝗧𝗢 𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗬𝗢

405 10 0
                                    

KAIBIGAN KITA, PERO GUSTO 𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 TAYO

Hindi ko naman sinasadya
Naramdaman ko na lang ito bigla
Maniwala ka, pinilit ko itong isa walang bahala
Ngunit parang lalo lang lumalala.

Maniwala ka, pinigilan ko naman
Pinigilan ko kasi mali itong nararamdaman
Hindi pwede pagkat magkakaroon ng ilangan
Pero pasensya ka na kasi ako’y mahina at hindi na makalaban.

Mali ba? Mali ba talaga?
Mali bang magustuhan kita?
Mali bang makaramdam ako ng kaba?
Mali bang maging sobrang saya sa tuwing nakikita ka?

Tama bang maging masaya na ikaw ang dahilan?
Tama bang makaramdam ng kuryente sa tuwing ika'y nahahawakan?
Tama bang tumibok ang puso kapag ikay tinititigan?
Tama ba na ang puso ay sinisigaw ang kumpleto mong pangalan?

Ano ba ang dapat? Naguguluhan ako
Lahat ng kilos mo ay nabibigyan kona ng motibo
Pati ang pagyaya mong mamasyal, ako ay naninibago
Kaibigan kita pero mas gusto kong maging tayo.

Iiwasan ba kita para matigil na ang kahibangan ko?
Hindi ba kita kakausapin sakaling tumigil nararamdaman ko na ito?
Hindi ka tititigan para hindi na ako malito
Lalayo ba ako, at baka sakaling may magbago?

Aamin ng nararamdaman, sasabihin ko’ba?
Sasabihin ko ba sa harapan mo na nagugustuhan na kita?
Itataya ko ang tagal ng ating pinagsamahan ito ba ang tama?
Ang pagkakaibigan nating dalawa, hanggang doon na nga lang ba?

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon