12. BANGUNGOT SA PANDEMYA

875 11 0
                                    

BANGUNGOT SA PANDEMYA

Ang hiling nati'y mawala na sana ang Pandemya
Ngunit ang simpleng pagsuot ng face mask ay atin namang isinasa walang bahala.

Sinu-sino nga ba ang dapat na magtulungan?
Hindi ba't tayo-tayo rin lang naman?
Dapat tayong magka isa sa gitna ng sakuna
Upang makamit muli ang inaasam nating ginhawa.

Hindi lamang ang mga Gobyerno ang dapat kumilos
Tayo'y umaksyon, sundin natin ang kanilang utos
Dahil ang mga habilin nila'y para rin naman sa atin
Ang katigasan ng ulo'y huwag muna nating pairalin.

Huwag lumabas ng bahay
Parating maghugas ng kamay
Magsuot ng face mask at mag alcohol din
Iyan ang mga iilang habilin na dapat nating sundin.

Hindi ba't madali lang ang mga utos nila?
Ngunit bakit marami pa rin na ito'y binabalewala?
Hindi ito basta Pandemya lang
Dahil buhay na ang nakasa alang-alang.

Pandemya, kung saan apektado ang lahat
Ito'y isang sakit na kumakalat
Ito ang dapat nating pagtuunan ng pansin
Simula umpisa, paghihirap na ang dala ng COVID 19.

Resulta ng Pandemya
Sa sakit na maraming nahahawa
Maraming nawalan ng hininga
Maraming pamilya na ang nangulila.

Alam nating mahirap ang buhay may Pandemya
Ngunit mas lalo lang tayong mahihirapan kung hindi tayo magkaka isa
Kaya sana magtulungan tayo
Bigyan nating pansin ang krisis na ito.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon