166. KAIBIGAN LANG KITA

150 2 0
                                    


KAIBIGAN LANG KITA

Andito ako sa puntong—
Puso’y may ibinubulong
Ang isipan ay pawang nakakulong
Tila’y humihingi ng tulong.

Nalilito na ako
Ano ’ba talaga ang totoo?
—kailangan kong makawala
Hindi pwedeng— gusto kita!

Kaibigan kita
Mag-kaibigan tayong dalawa
—Kaya alam kong mali ito
Mali itong nadarama ko para sayo.

Sige, pipigilan ko na
Pipigilan kong gustuhin ka
Kahit alam kong hindi na ako makakawala
Pero pipilitin dahil ayaw kong mawala ka.

Hindi ko sasabihin
Wala akong sasambitin
Hindi ako aamin sayo
Pero teka— hindi ko na kaya ito!

Kaya sige, aamin ako ng walang pag-aalingan
Na tunay na nga talaga kitang nagugustuhan
Itataya ko ang matagal nating pagka-kaibigan
Para lang sa aking nararamdaman.

‘Gusto kita, higit pa sa pagkakaibihan nating dalawa’
Katagang sinambit ko—nakatingin sa iyong mga mata
Ang kaba sa dibdib ay hindi alintana
Pero nagimbal sa binitiwan mong mga salita.

‘Kaibigan lang kita’
‘At hindi na iyon mas hihigit pa’
Sabay talikod mo
Sabay hakbang papalayo.

Mabilis na pumatak ang mga luha
Mapaklang natawa
—Kaibigan lang kita
—At hindi na iyon mas hihigit pa.

Ang tanga ko, pala
Bakit ako umamin sayo?
Masama 'bang umasa?
Masama 'bang mag-hangad na baka pwede tayo?

Kapalit ng pag-amin
Ang pagkawala ng pagkakaibigan natin
Kapalit ng pag-amin kong gusto kita
Ay syang tuluyan mong paglimot— at ang pag-akto mong hindi ako kilala.

Pinagsisisihan ko
Ang ginawang pag-amin sayo
Bagkus hindi ko alam na aabot sa ganito
Na tuluyan mong pag-iwas at paglayo.

Hindi ko naman hinangad na magustuhan mo rin ako pabalik, inamin ko 'lang naman na gusto kita kase hindi ko na kayang pigilan pa. Pero wala na akong magagawa kung tuluyan mo akong iwasan. Kalilimutan nalang kita, gaya ng pagkalimot mo sa akin.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon