85. PASUKAN NA NAMAN

153 1 0
                                    

PASUKAN NA NAMAN

Pasukan na naman
Parang dinadalaw yata ako ni katamaran!

Dapat ang baon ay taasan
Pagkain sa Canteen dapat ay babaan
Sa malamig na tubig ay makikipagsapalaran
Sa jeep ay handang makipagsiksikan.

Hinihiling na ang guro sana'y hindi kasungitan
Para sa tuwing huli sa klase ay hindi pagalitan
Pati ang kaklse ay dapat may kanya-kanya ng kagamitan
Para sa oras ng kakailangan ay hindi magkahingian.

Pasukan na naman
Ni hindi pa nga natutuloy ang plano ng barkadahan
Na magswimming at mag-over night sa bakasyunan
Gusto ko pang humiga sa malambot naming higaan.

Pasukan na naman
Bagong kaklase, bagong kaibigan
Bagong guro, panibagong matututunan
Bagong silid, bagong tahanan.

Pasukan na naman
Panibagong bakbakan
Pagpapakilala sa unahan
Ay di parin nagbabago, palaging kinakabahan.

Pasukan na naman
Bagong katabi, bagong kadaldalan
Bagong kaibigan, bagong barkadahan
Bagong upuan, bagong masusulutan.

Pasukan na naman ibigsabihin lang nun, bagong obligasyon
Obligasyon mong pumasok at bigyan ng atensyon
Obligasyon mong pumasok at wag puro bakasyon
Obligasyon mong pumasok, para rin yun sa kinabukasan mo pagdating ng panahon.

Pumasok ka ng may ngiti sa iyong mga mata
Isipin mong naghahanap-buhay ang mga magulang mo para makapagtapos ka
Pumasok ka ng may baong ngiti sa iyong mga labi, pumasok kang may saya
Isipin mong nagsusumikap ang mga magulang mo para lang matustusan ang pangangailangan nyong pamilya.

Pasukan na naman
Panibagong yugto ng isang kabataan
Panibagong taon, panibagong kasuluyan
Pasukan na naman, parang nanghihina ang aking buong katawan.

Pasukan na naman
Sa traffic ay makikipagsapalaran
Sa loob ng jeep ay makikipagsabayan
Sa pila ng Canteen ay makikipagtulakan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon